CHAPTER 66

471 22 3
                                    

CASSY'S POV.

"Hey Athena, happy 18th birthday.." bati ni Scyle sa kan'ya, "I'm so thankful na nakilala namin kayo ng mga kaibigan mo, akala ko magtatapos kami nila Drake ng kaming tatlo lang and then you came, thankyou for making us happy, thankyou for being our happy pill, we love you!" pagtatapos n'ya at tsaka niyakap si Athena, ako nalang ang natitira para makumpleto sila, si Athena naman ay umiiyak ng nakatingin sa akin ng ngitian ko s'ya.

"And now let us call the one and only Cashannea Maxine Jong, ang pambansang pilosopo ng Pilipinas, a round of applause." natawa ako sa pagpapakilala ni James sa akin, agad naman akong tumayo para magpunta sa harapan, wala pa man akong sinasabi ay grabe na ang iyak ni Athena.

Ngayon palang kase ako makakapagbigay ng message sa kan'ya... I'll make it special and memorable...

"Hi bessywap, Happy 18th birthday.." naluha na naman s'ya, pinigilan kong maluha dahil nakakawala ng kaastigan, "Never akong nakapagbigay ng message sayo before, so here I am now, standing infront of you, making this day memorable for you..." nakangiti kong dagdag, agad rin naman s'yang napangiti, "Since we're 10 years old, nasa tabi na kita, and thankyou for that, thankyou for being my bessywap, I love you more than what you think and what you feel. Nandito lang ako palagi para sayo, I will protect you all until the end..." mas tumodo pa ang pagbagsak ng luha n'ya, hindi ko narin napigilan ang maluha habang humuhugot ng hininga, "Until my last fight, bessywap. Until my last walk, my last run, my last words.... until my last breathe, I'll protect and love you, Happy birthday bessywap." dagdag ko, agad n'ya akong sinalubong ng yakap,

"Iloveyou bessywap." aniya, hinigpitan ko ang yakap ko at tsaka ako luminya sa mga kasama ko.

"Now let us raise our glasses, and have a toast for our wishes.." iniangat namin ang mga baso na hawak namin,

"HAPPY BIRTHDAY ATHENAAA!" Sigaw naming lagat at tsaka tinungga ang laman ng mga baso namin.

Nagsiupo na kaming lahat at sumunod na ang 18 wants and needs. Ang 18 wants ay puro maluluhong bagay ang ibinigay, mga alahas, gadgets, sandals, expensive things at kung ano-ano pang desires ng teenagers. Ang 18 needs naman ay puro kailangan ang ibinigay, gift certificates, modeling contracts, lifetime membership sa iba't-ibang agencies, at marami pang iba, ang isa ay sasakyan ang ibinigay.

Sumunod naman ay ang 18 gifts. Puro mga pinsan at dating mga kaibigan ni Athena ang nagsitayo sa 18 wants and need at 18 gifts. Ang iba ay painting ang ibinigay. Ang iba naman ay mamahaling damit, ang iba ay mamahaling bag, at kung ano-ano pa. Sobrang ganda ng mga regalong natanggap ni Athena, masasabi kong perpekto ang buhay n'ya sa pamilya palang n'ya, naging imperpekto lang yata iyon simula ng dumating ako, gumulo ang buhay nilang lahat dahil sa akin.

Sumundo na tumayo ang mga magulang namin para sa 18 blue bills. May isang kahon sa harapan ni Athena, isa-isang nagsitayo ang mga magulang namin. Depende na sa magbibigay kung ilang blue bills ang ibibigay nila. Ang iba ay isang bugkos ng 1000 ang ibinigay. Ang iba ay blue creditcards, natawa ang lahat sa credit card na 'yon. Ang mga magulang ng kasama ko ay sobre ang inilapag. Sina mom and dad naman ay sobre rin ang ibinigay.

Natapos na ang lahat at nagsiupo. Si Athena naman at ang mga magulang n'ya ang tumayo sa harapan.

"Thankyou for being here mga kumare at kumpare, at sa mga beautiful and handsome teens right there, enjoy this night everyone, thankyou again." pasasalamat ng mommy ni Athena,

"Salamat sa pagpunta, talagang pinasaya n'yo ang unika ija ko, to her friends and classmates, thankyou." sambit naman ng daddy n'ya, si Athena na ang tumayo at nagpunta sa mike.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon