CHAPTER 15

841 42 10
                                    


CHAPTER 15

CASSY'S POV.

Dumiretso kami sa kwarto na ibinigay sa amin ng satff, nanguna sa paglalakad si Scyle dahil s'ya ang may dala sa susi.

Ng mabuksan n'ya ang kwarto ay may tatlo pang kwarto sa loob. Tig ta--tatlong kama ang bawat kwarto. Wala pa ang ikatlong lahi dahil nagpaalam sila kay Drake na mahuhuli sila dahil dadaan pa sila sa Mall.

"Dito kami sa gitnang kwarto, tatlo ang kama sakto sa amin nila Cassy at Roxanne." nakangiting paalam ni Athena, nagtanguan naman kaming lahat, pumasok kami sa kwartong iyon at iniayos ang gamit, dalawang gabi kaming mamamalagi roon.

Ng matapos kami sa pagaayos ay sakto lang rin ang pagdating nila Forth,

"Mabuhaaaayy ang tatlong reyna!" sigaw ni Forth sa mini sala, kami ay nasa loob ng mga kwarto namin, nagsilabasan kami mula sa kwarto para salubungin ang mga bakla.

"Aba aba aba... Kompleto... Nasaan si Drake?"  tanong ni Berton,

"I'm here drakulas!" biglang sulpot ni Drake sa pintuan, naka summer polo s'ya habang naka see through na sando sa loob, naka summer shorts din s'ya at tsinelas, nakashades rin, at sa suot n'ya ay mas lumabas ang pagkatao n'ya,

Nilingon ko si Athena, at tama na naman ako ng hinala, kinikilig ang loka.

"Happy birthday tukmol!"

"Happy birthday bansot!"

Bati sa kan'ya nila Scyle at Shawn habang natatawa pa,

"Happy birthday dugong!"

"Happy birthday drakula!"

"Happy Birthday Janitor Fish!"

Bati naman sa kan'ya ng tatlong bakla habang iniaabot ang ma regalo. Natatawa ang mga ito habang papayakap kay Drake, si Drake naman ay nangunot ang noo habang tinatanggap ang mga yakap nila,

"Nagabala pa kayo sa regalo, iinsultohin n'yo rin pala 'ko." parang bata'ng angil ni Drake, natawa nama kami sa kan'ya,

"Happy birthday Nobita!" sigaw ni Roxanne sa kan'ya habang papayakap, nangunot ulit ang noo ni Drake,

Loka rin ang isang to.. Hahaha

"Happy birthday Goku!" natatawang bati ko sa kan'ya at mas lalong nangunot ang noo n'ya,

Nawala ang pagkakunot ng noo n'ya ng ibaling ang paningin kay Athena, ito namang si bessywap ay nagiinarte pa,

Maharot...

"Happy Birthday Siomai..." nakangiti at kinikilig na bati ni Athena, tumamis naman ang ngiti ni Drake at niyakap ang kaibigan ko,

"Grabe parang hindi kami welcome dito ah? Nung kami ang bumati nainis, nung si Athena kinilig? Abaaa cannot be!"
Taas kilay na protesta ni Romnick, natawa naman si Drake,

"Syempre iba ang dating kapag babaeng mahal mo ang nangasar sayo hehe..." animo'y kinikilig pang sambit ni Drake,

"Edi kayo na!" kunwari pang iniaaaalay ang mga kamay, napahugot naman ako ng malalim na hininga at tsaka matunog na ngumisi dahil sa kabaliwan nilang lahat,

"Ano? Ganito lang tayo? Nasaan ang pangrampa Drake?" tanong ni Romnick habang iminomodel pa ang katawan,

"Nandito, mamili lang kayo, ito ang pang lalake, at ito ang pangbabae." turo ni Drake sa dalawang roller na sampayan na inihahatid papasok ng isang staff, naglakbay naman ang paningin ko sa mga iyon, may mga swimsuit na shorts ang pangibaba, may palda naman na matatakpan ang peklat ko sa may hita, ngunit ang lahat ng pang itaas ay bra,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon