CHAPTER 33- THE PAYBACK III

828 39 19
                                    


SCYLE'S POV.

Isang LINGGO na ang nakalipas ngunit wala parin kaming nasasagap na balita tungkol kay Cassy. Walang nahahanap na bangkay sila kuya Arnel.

Kasalukuyan parin kaming nasa ospital. Ayos lang rin naman na manatili kami rito. Minsan ay nakukumpleto kami dahil ang mga haligi ng tahanan namin ay nagpupunta rin kasama ang mga kapatid naming lahat.

Kumpleto kaming lahat ngayon, si Zeth ay narito rin. Lahat kami ay tahimik na nakikinig ng kanta ng phone ni Athena na nakaconnect naman sa speaker. Pilit naming iwinawaglit ang sakit at galit.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto, hindi narin naghintay ng tugon at agad na pumasok ang isang gwapong-gwapo na lalaki, sinalubong s'ya ng yakap ng reyna.

Malamang ito ang prinsipe...

Nahagip naman ng paningin ko ang kilig na kilig na si Zeth. Nginiwian ko s'ya at tsaka pinagmasdan ang prinsipe, suplado tingnan at namumugto ang mata. Siguradong dahil iyon sa kapatid n'ya.

"Ayy pak, ang prinsipe.." biglang sambit ni Berton,

"Uhmmm eng gwepe me nemen." malandi pang sambit ni Forth,

"Huy anlandi n'yo, respeto naman sa prinsipe... Hi hihi eym remnick.. Aray!!" hindi natapos ni Romnick ang sinasabi ng bigla s'yang batukan ng mga bakla.

"Wag daw lumandi.. Eh ikaw ang leader eh?" mataray na sambit ni Berton, nginiwian naman sila ni Romnick.

"Kung nandito lang si Cassy, kanina pa kayo binatukan no'n, nilalandi n'yo ang prinsipeng Cyrone, mga hangal!" sabat ni Athena, natawa naman kami ngunit agad ding sumeryoso.

"I miss my princess.." biglang sambit ng Hari, sabay punas ng mga luha n'ya, nangilid naman ang mga luha ko.

"Kahit maayos na burol at libing man lang ay pagbigyan na nila tayo." naluluha ring sambit ng Reyna,

"Naghahanda kami para sa paniningil namin, kung pwede nga ay ngayon na namin gawin." usal ni kuya Arnel, napatingin naman kami sa kan'ya.

"Napaka hayop ng Lithor na 'yan." sabat ni Drake, napayuko naman ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.

"Kung alam ko lang na mangyayari 'to, edi sana naglaan na ako ng mahabang oras para sa kan'ya." wala sa sariling sambit ko, alam kong napatingin sila sa akin ngunit hindi ko na pinansin,

"Ayokong mawalan ng bessywap... S'ya lang ang bessywap ko." garalgal na sambit ni Athena habang parang batang pinupunasan ang luha.

"Hayaan n'yo ho mahal na Hari at Reyna, gagawin namin ang lahat para makamit ang hustisya." sambit ni kuya Jake.

Mas napaluha kami dahil sa katotohanang wala na talaga si Cassy. Naroon na naman ang mga luha kong naguunahan sa pagtulo.

Ang sakit babe.. Sobrang sakit...

*RING* *RING*

Natigilan kami ng biglang tumunog ulit ang speaker,

"May tumatawag." sambit ni kuya Arnel, nakaconnect ang phone ni Athena sa speaker kaya rinig namin, maging ang paguusapan nila ay maririnig namin.

Kinabahan pa kami, maging ako ay iniisip na baka may balita na sa bangkay ni Cassy dahil ayaw ko. Bahagya pang nangatog ang mga tuhod ko at umaapaw na ang takot sa pagkatao ko.

"Hello?" paunang sambit ni Drake na malapit kay kuya Arnel, nanahimik naman kami para hintayin ang tugon ng nasa kabilang linya.

Medyo natagalan pa 'yon dahil puro pa kaluskos ang naririnig namin, napakamot ng ulo ang ilan sa amin dahil tunog lang ng paghinga at paglalakad ang naririnig ng lahat. Ako naman ay taas kilay na nakikinig habang mariin ang pagkakakagat sa ibabang labi dahil sa kaba.. Seryoso na kami sa pakikinig ng...

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon