CHAPTER 10

1K 44 4
                                    

CHAPTER 10

SCYLE'S POV.

Nasa room kami nila Shawn at Drake, katatapos lang din naming kumain. Nakikinig kami sa music habang naghihintay sa mga kaklase namin, lima palang kaming nasa room, ang iba ay gumagala pa siguro.

Inilibot ko ang paningin ko, sa harapan, sa gilid, sa likuran at sa side nila Cassy. Bahagya ko bang ibinaba ang paningin ko ng may makita akong papel sa ilalim ng upuan n'ya. Nasisiguro kong drawing 'yon, nakita ko kung gaano ka abala sila Shawn sa pakikinig sa mga earphones nila kaya pasimple akong tumayo at lumapit para kunin 'yon.

Hindi kami madalas maglinis dahil hindi naman 'yon makalat. Ng makuha ko ang papel ay nanlaki ang mga mata ko,

Kay Cassy ang drawing na 'to... Yung pinadrawing ni Miss Ligiron...

Nagtaka ako dahil noong martes pa namin ito ginawa, hindi namin ipinasa dahil hindi naman ipinasa. Kinuha ko 'yon at tsaka umayos sa pagkakatayo. Ng pagmasdan ko 'yon ay doon ko lang napansin ang galing n'ya sa pag guhit. Pinasadahan ko ng tingin ang iginuhit n'ya, ng mapansin ko ang bakat ng sulat na nagmumula sa likod ay binaliktad ko 'yon, at mas natigilan pa ko sa mga nakasulat doon,

From your Royal Princess,

                   I really do appreciate that I belong to this kind of Royal family....

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa, kumurap ako ng paulit-ulit at tsaka binasa ulit 'yon, umaasang mali lang ang pagkakabasa ko ngunit sadyang malinaw talaga ang mga mata ko, tama ang pagkakabasa ko,

R-Royal family?...

Napailing ako ng bahagya at tsaka itinuloy ang pagbabasa.

I'm also proud of  being your highest and greatest princess. This is just a short confession, I admit that I'm really tired of disguising and hiding. I'm tired of just watching everyone doing the things that they want. But still, I'm thankful to be part of our family. Time will come and you'll know everything about me, you'll know that you've been with the princess and you'll be proud of it, you'll be proud that you've been with me in one school, one room, one class... not now but someday.

Ng matapos kong basahin 'yon ay dahan-dahan akong napatingin sa kawalan. Unti-unti ng nasasagot ang mga tanong ko, ang mga tanong ni Drake, at ang kagustuhan nila na makilala si Cassy, at hindi ako makapaniwala na...

"I-Isa s'yang prinsesa..." mahinang bulong ko habang nakatingin parin sa kung saan.

Itinupi ko ang papel na 'yon at itinago sa likuran ko. Ng makalapit sa upuan ay pasimple ko 'yong inilagay sa bag ko. Sa ngayon ay ako nalang muna dapat ang makaalam dahil alam ko ang batas nila, hindi dapat siya makilala ng ibang tao hangga't hindi siya pinapakilala ng Greatest King, Maari s'yang ibalik sa kaharian nila at doon nalang manatili bilang kaparusahan.

Tulala akong napatingin sa kung saan, ng bunalik sa wisyo ay doon ko lang napansin na marami-rami narin ang mga kaklase namin na nasa class room. Wala pa sila Cassy, may kung ano sa akin ang nababagabag dahil sa nalaman ko. Umayos na lamang ako sa pagkakaupo at kinuha ang phone ko.

"Pawis na pawis ka ah? Anong nangyari sa 'yo?" tanong sa akin ni Drake.

"Wala, para sa akin ay parang kulang ang dalawang aircon ngayon, ang init." pinilit kong hindi mautal at nagtagumpay naman ako, dahan-dahan namang tumango si Drake at tsaka binalikan ang ginagawa.

Maya-maya pa ay dumating na sila Cassy, nabulabog na naman ang sistema ko. Habang naglalakad s'ya ay pasimple kong tinitigan ang mukha n'ya at nagbabaka sakaling makita ang bakas ng pagiging prinsesa n'ya, at sa pagkakataong ito ay hindi ako nabigo dahil ang mismong kagandahan n'ya ang nagpakita sa akin.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon