CHAPTER 34- THE PAYBACK IV

786 34 13
                                    

SCYLE'S POV.

Nakalabas na kami ng ospital. Namalagi muna ang bawat pamilya namin sa condo-hotel ng mga Jong. Mas pinili ng mga pamilya namin na samahan kaming mamalagi sa hotel. Ang Hari at Reyna na mismo ang nakiusap kung pupwedeng doon na lamang kami para mas tiyak ang kaligtasan ng lahat. Nasa kan'ya-kan'yang kwarto kami. Nagsarili ako dahil mas gusto kong mapagisa. Ang mga kaibigan ko ay hiwalay ang kwarto sa pamilya nila.

Lumabas ma ako ng kwarto, dumiretso ako sa restawran na nasa ibaba ng condo-hotel. Ng makababa ay naroon na silang lahat at mukhang ako nalang ang inaantay.

"Scyle anak, here.. sit down." salubong sa akin ni mommy habang tinatapik ang upoan sa tabi n'ya. Tumabi naman ako roon.

Nagsimula kaming kumain, walang kibuan kaming kumuha ng pagkain dahil sa pagkatakam.

"Sana ay maging maayos ang misyon n'yo bukas." biglang sambit ni tita Phiona, mommy ni Berton.

"Yes mom, kayang-kaya ng ganda ko 'yon." tugon naman ni Forth, napangiti naman ang mommy n'ya.

"Anak magiingat kayo ha?" nagaalalang saad ng mommy ni Athena, tumango naman s'ya, "Ingatan mo ang anak ko hijo." nakangiting baling naman n'ya kay Drake, wagas naman ang pagkakangiti ni Drake na animo'y botong-boto na talaga sa kan'ya ang mga magulang ni Athena.

"Yes tita, I wil." tugon ni Drake, natatawa namang napatango ang mommy ni Athena dahil sa laki ng ngisi ni Drake.

Kunwari pa namang napaubo ang daddy ni Roxanne, natigilan naman si Shawn at napaayos ng pagupo. Natatawa naman akong pinagmamasdan sila.

"Delikado ang gagawin n'yo bukas, makakaasa ba akong maiingatan mo ang anak ko... Binatang Zoran?" baling ng daddy ni Roxanne kay Shawn, napatikom naman ang mga labi ni Roxanne habang nagpipigil ng tawa habang pinagmamasdan ang takot na takot na mukha ni Shawn.

Medyo may kalakihan ang daddy ni Roxanne... Nakakatakot nga hahahaha...

"Y-Yes po, hindi po ako aalis sa tabi n'ya." nakangiting tugon ni Shawn, napatango naman ang daddy ni Roxanne.

"Kung nandito si Cashannea, malamang nabara ka na no'n." natatawang sambit naman ni Roxanne, napangiti naman ako mas napapangiti pa ng magimagine ako kung anong isasagot ni Cassy sa sinabi ni Shawn,

'Pss! Bibilib na ako kapag magkatabi kayong naninipa at nanununtok, baka hindi n'yo pa napapadugo ang mukha ng kalaban ay nabihag na kayo.'

Napasinghal ako habang napapailing na nakangisi dahil sa naisip kong sagot ni Cashannea. Isusubo ko na sana ang steak ng mahagip ng paningin ko ang paningin ni kuya Arnel, nakakatakot ang mga tingin n'ya.

Huhuhu mukhang maha-hot seat rin ako...

(>>___<<) !!

"Nililigawan mo ba si Cassy?" tanong ni kuya Arnel, naibaba ko naman ang tinidor at napaayos sa pagupo sabay pagkukunwaring nauubo.

Napakamot muna ako sa patilya ko dahil sa kaba,

"O-Opo," tugon ko, patango-tango naman s'yang nagbalik ng paningin sa pagkain, nakahinga naman ako ng maluwag, ngunit hindi pa pala doon natatapos ang tanong.

"Seryoso ka ba kay bunsoy?" tanong n'ya, napalunok naman ako, bagaman seryosong-seryoso ako kay Cassy ay tinatraydor naman ako ng kaba ko.

"Sobrang seryoso po...."

"Kuya."

"H-Ha?"

"Hindi pa kita nakakausap, kaya alam kong nangangapa ka kung anong itatawag sa akin, kaya tawagin mo 'kong kuya..." natitigilan naman ako napatitig kay kuya Arnel, kuya na talaga ang tawag ko sa kan'ya ngunit sa isip ko lamang iyon.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon