CHAPTER 73- THE PAYBACK VIII

513 23 3
                                    

CASHANNEA'S POV.

Ng masaksihan ko kung papaanong sinadyang banggain ng mga lalaking nakamotor si Shawn ay hindi na ako nagdalawang isip na habulin sila, ginamit ko ang naka standby na motor ng guwardya.

"Babe??" tawag sa akin ni Scyle, wala ako sa tamang panahon para magpapigil, kailangan kong masundan ang mga 'yon.

Pinaharurot ko ang motor, hindi ko na nagawang kamustahin si Shawn. Naguumapaw na ang galit sa akin dahil gulong-gulo na ako sa plano nila.

Kaunti nalang, iisa-isahin ko kayo, pangako 'yan...

Malayo na sa paningin ko ang dalawang lalaki ngunit pinilit kong makipagsiksikan sa naglalakihang sasakyan. Ng matanaw kong malapit lang sila sa akin ay pasimple ang sumunod sa kanila. Ng marating namin ang abandonadong daan patungo sa isang malaking bahay na sinisigurado kong pagmamay-ari ni Lithor ay agad ko ng ipinarada ang motor na gamit ko.

Mayaman nga, may sungay naman... Pss!

Nagtago ako sa likod ng lumang pader. Rinig ko pa ang pagtatawanan ng dalawang lalaki na bumangga kay Shawn.

"Hahaha sa tingin mo ay napurohan natin 'yon?"

"Siguro, natumba eh hahaha!"

"Siguradong matutuwa si Boss n'yan."

Hindi ko na matiis ang kadal-dalan nila. Lumabas ako sa lumang pader at tsaka sabay silang pinukol ng hampas sa batok, agad silang napaluhod at napadaing sa sakit. Kung gaano ko kabilis na nasipa ng sabay ang mukha nila ay ganoon kabilis din silang napaluhod. Ginawaran ko sila ng malulutong na sapak at tsaka iniangat ang mukha nila.

"Nasaan si Lithor?" tanong ko, napalunok pa muna sa sakit ang lalaki bago ako tiningnan,

"N-Nasa loob." hirap na sagot n'ya, itinulak ko s'ya dahilan para tumimbawang s'ya sa sahig, inilipat ko ang paningin sa isa pa.

"Nasaan lahat ng tuta ni Lithor?" tanong ko sa isa pa, napadaing pa muna s'ya sa sakit ng sugat sa pumutok na labi n'ya, "Sagot." kalmadong sambit ko,

"N-Nasa likod ng m-mansyon, nagsasanay." tugon n'ya, itinulak ko rin s'ya dahilan para dalawa sila ng kasama n'ya ang magkatabing nakatimbawang sa kalsada.

Inakyat ko ang gate at tsaka pinasok ang loob ng teritoryo ni hudas. Ito na yata ang tinatawag nilang impyerno. Pss!

Malaki ang mansyon ni hudas. Kaya ilang minuto akong inabot bago ko nasabing nakaikot na ako sa buong bahay. Dumiretso ako sa malawak na lugar sa likod ng mansyon at doon ko natanaw ang humigit kumulang kwarentang bata ni Lithor.

Lahat sila ay pawis na pawis, halatang katatapos lang sa pagsasanay dahil hinihingal rin ang mga ito at halata sa kanila ang pagod. Ito ang tamang oras para kumuha ng ulirat, hindi ko kakayanin ang kwarenta lalo na't malalaki ang katawan ng mga ito. Lumapit ako sa isang lamesa na napupuno ng baril, kinuha ko ang pinakamalaki ngunit tinanggalan ko muna ng magasin, mahirap na at baka makapatay ako ng wala sa oras.

'Tingnan natin kung gaano kayo kabobo hehehe'

"Goodafternoon bulldogs?" blankong bati ko sa kanila, at tsaka itinaas ko ang baril, gulat silang napalingon sa akin, lahat ay animo'y nakakita ng multo, takot ang makikita ko sa iba ngunit ang iba ay ipinagyayabang pa ang malalaki nilang katawan na mas marumi pa sa pwet ng kaldero.

'Bakla yata 'tong si Lithor eh, puro six packs ang bata ampota hahahaha!'

"Paano nakapasok ang babaeng 'yan dito?"

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon