CHAPTER 31 - THE PAYBACK I

784 40 5
                                    

SCYLE'S POV.

Para akong binagsakan ng malaking bloke ng semento sa dibdib. Para akong nablangko at hindi na makarinig. Sobrang sakit ng mga natatanggap kong balita simula ng dumating sa buhay namin ang hinyupak na Ralph at Yalrine na 'yan!

Nanlulumo akong napadaudos sa pagupo habang hawak ang ulo at hindi mapagtanto ang lahat ng nangyayari!

"Bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa amin?" tulalang tanong ni Berton, napapalunok naman ako habang pilit na ginigising ang sarili kung sakali mang panaginip lang ang lahat ngunit bigo ako, totoo ang lahat ng nangyayari sa paligid ko dahilan para magilid ang mga luha sa mata ko.

"Pipigilan ko s'ya." sambit ko at tsaka tumayo, hindi pa man ako nakakapaglakad ay pinigilan na ako ni Roxanne,

"N-Nakaalis na s'ya.." lumuluhang pigil n'ya, wala na akong nagawa kundi pabagsak na umupo at tsaka nasapo ang ulo! Ponagsisisihan kong hindi ko man lang s'ya kinausap ng masinsinan, hindi ko man lang tinanong ang dahilan n'ya!

Cashannea please...

"Napaka gulo ng sitwasyon..." mahinang usal ni Drake,

"Dapat lang siguro na umalis s'ya, hindi naman s'ya aalis kung talagang mahal n'ya tayo." mataray na sabat naman ni Athena bagaman naiiyak na rin.

"Tama... wag tayong papaapekto, makakalimutan natin s'ya.." nagpupunas ng luha na saad ni Berton,

"Subukan nating waglitin lahat, kaya natin 'to." pagpapalakas ni Forth sa loob namin ngunit hindi 'yon umepekto sa 'kin.

Napakatigas ng puso mo Cashannea! Hindi mo man lang inisip ang mga maiiwan mo! Hindi mo man lang tinanong kung masasaktan ba kami! Makasarili ka, maling-mali ako na minahal kita, maling mali!

Nagpunas ako ng luha at pilit na pinalakas ang loob, simula ngayon ay pipilitin kong kalimutan lahat, kung hindi n'ya ako mahal ay hindi ko rin s'ya dapat mahalin.

"Kumain na tayo." anyaya ko sa kanila, alam kong masakit para sa kanila pero kailangan naming magpakatatag, hindi kami dapat malungkot para sa taong hindi man lang kami mabigyang importansya,

Naglakad kami papunta sa Canteen, ng makapasok ay nagsiupo kami, hindi ko nakikita ang gang nila Yalrine, hindi ko rin nakikita maging ang gang nila Ralph.

At sa oras na makita ko sila ay ipapatikim ko sa kanila ang sakot na nararamdaman ko!

Umorder na ng pagkain si Shawn. Ng magsimula kami sa pagkain ay doon bumanat si Drake.

"Athena.." tawag n'ya kay Athena,

"Yes?" tanong ni Athena,

"A-Ahmm huwag ka ng magalit sa akin please." pagmamakaawa ni Drake, para s'yang bata na nakahawak sa kamay ng nanay n'ya, napangisi naman ako.

Ganito lang ang gawin mo sakin Cashannea ay mapapatawad na kita, kaso mas pinili mo ang umalis, naging makasarili ka...

Napayuko ako sa sariling naisip, napasubo ako at tsaka muling tumingin kila Athena at Drake, puro singhal lang ang iginaganti ni Athena kay Drake.

"Tigilan mo nga ako, ikakasal ka na." kunot-noong bawi ni Athena sa kamay n'ya ngunit muli itong kinuha ni Drake.

"Hindi matutuloy ang kasal, tumanggi ako, maging sina mommy ay tumanggi rin." nakangising saad ni Drake, natigilan naman si Athena at gulat na napatingin kay Drake.

"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Athena sa kan'ya.

"Oo nga.. Kaya sorry na?" malambing na panunuyo ni Drake,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon