CHAPTER 40

760 35 1
                                    

CASSY'S POV.

KINABUKASAN ay ikalawang araw na namin dito sa resort nila Drake. Nakangiti akong bumangon, nagising din naman si Chardette ng makatayo ako.

"Ang aga mo namang gumising." nakangiting aniya habang nasisilaw pang dumidilat.

"Maganda ang tulog ko eh, bumangon ka na d'yan." nakangiti ding tugon ko, naginat pa muna s'ya at tsaka kami naglakad papalabas.

Tumapat kami sa kwarto nila at isa-isang pinagbubuksan 'yon. Ngunit gulat kaming nagkatinginan ni Chardette ng walang tao sa mga kwarto nila. Napangiwi nalang kaming naglakad papalabas at dumiretso sa shed ng pool area, at tama ang hinala namin, kumakain na sila doon.

Ang akala ko pa naman ay maaga na akong gumisng! Pss!

"Goodmorning Princess! Goodmorning Chardette." bati sa amin ni Mommy,

"Goodmorning po." bati din ni Chardette niyakap ko naman si mom at tsaka ko pinaupo sa upoan katabi ng kay Scyle.

"Goodmorning babe... Kamusta ang tulog mo?" nakangiting tanong ni Scyle, napangiti naman ako,

"Ewan ko, gising na ako eh." tugon ko, sinamaan naman n'ya ako ng tingin, "Joklang hehehe, ayos naman, ikaw ba?" pagbabalik ko sa kan'ya ng tanong.

"Ayos lang din, hindi na kita nahintay, kinailangan din kasing tumulong dito." nakangiting tugon n'ya, nakangiti din naman akong tumango.

"Mommy, maliligo na ho kami." paalam ni Cyrone kay mom, tumango naman si mommy sa kan'ya.

"S'ya nga pala, pagkatapos ng breakfast ay mauunang umuwi ang mga daddy n'yo, kaming mga nine sisters naman ay after lunch pa." natatawang saad pa ni mommy sa huling sinabi.

"Bakit hindi nalang ninyo sabayan sina mommy, dad?" tanong ko kay daddy, napangiti naman s'ya habang inuubos ang juice bago nagsalita.

"May kailangang asikasuhin ang mga padre de pamilya." natatawang tugon ni daddy, nakangiti naman akong tumango.

"And, oo nga pala, sa yate na tayo magtatanghalian mamaya." nakangiting sambit ng mommy ni Drake, masaya namang sumangayon ang lahat.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa pagkain, ng matapos ay nagpaalam na ang mga tatay namin.

"Mauna na kami, magiingat kayo." paalam ni daddy, yumakap din naman ako sa kan'ya maging si Scyle.

"Magiingat kayo dad." baling ni Scyle sa tatay n'ya.

"Ipasusundo nalang namin kayo nuwebe marias." natatawang sambit pa ni Dad,

Hindi nadin nagtagal ang usapan at inayos na nila ang mga gamit bago umalis, inihatid pa namin sila sa parking lot at tinanaw ang pagalis nila.

Nagsilakad na kami at pumunta sa cottage at naupo doon. Payapa na naman naming pinanonood ang mas dumami pang turista na masayang nagtatampisaw at naliligo sa dagat.

Ng makita ko ulit ang mga babaeng humarang kay Scyle kahapon ay napangisi ako, siniko ko si Scyle at napatingin naman s'ya sa akin.

"Yung mga babae mo oh." nakangisi kong turo sa mga iyon na halos matanggala ng bewang sa pagkakakembot habang naglalakad.

Parang itik lang...

"Tsh! Ayan ka na naman." inis na singhal n'ya, natawa naman akong nagiwas ng paningin sa mga babaeng 'yon.

Maya-maya pa ay siniko n'ya din ako, napalingon naman ako sa kan'ya.

"Yung mga lalaki mo din oh." turo n'ya sa tatlong lalaki na lumapit sa akin kahapon, kunot-noo naman akong napasinghal at nagiwas ng tingin.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon