CHAPTER 68

515 19 19
                                    

ATHENA'S POV.

Nakarating na kami sa townhouse, patuloy parin ako sa pangangatog. Ipikit ko man ang mga mata ko ay ang mga pangyayari parin kanina ang nasa isip ko. Hindi ko magawang patigilin sa pangangatog ang katawan ko. Bumaba kami sa sasakyan, naupo muna kami sa table namin at tsaka ako uminom ng tubig. Mabuti nalang at wala na sila Mommy at Daddy, mabuti ng hindi nila malaman.

"Ano bang nangyari bunch?" tanong ni Drake, punong-puno s'ya ng pagaalala, nilingon ko si Roxanne na takot na takot rin.

Hindi ko napigilan ang maluha sa labis na takot. Puno ako ng pandidiri na ano mang oras ay gusto kong masuka. Sariwa parin sa akin ang lahat ng nangyari kanina.

Hirap man ako sa pagsasalita ay naikwento ko parin iyon ng maayos sa kanila, tumulong rin sa pagkukwento si Roxanne, ngunit ang panginginig ay pinahihirapan kami sa pagsasalita.

=FLASHBACK=
___________________________________

Kasalukuyan kaming nagsasayaw sa tabi ng pool. Ang ikatlong lahi ay todo sa paggiling kasama ag mga lalaki. Kami naman ay paikot-ikot lang at paindak-indak. Natigil lang ako sa pagsayaw ng biglang tumunog ang phone ko.

[1 text message recieved]

Nangunot pa ang noo ko ngunit agad ring binuksan ang mensahe. Halos mapalundag ako sa nabasa.

______________________________

From: +63902218...

Athena, si Cassy 'to, bagong number
ko, puntahan n'yo ako ni Roxanne sa
townsite, kailangan ko ng kausap,
please, kayong dalawa lang sana.
______________________________

Napanguso pa ako ng tawagin n'ya akong Athena. Pero hindi ko nalang pinansin dahil baka dala lang ng problema. Agad kong pinuntahan si Roxanne na nakaupo sa table.

"Pupuntahan natin si Cassy." bulong ko, awtomatiko s'yang napangiti,

"Talaga? Sige saan?" tanong n'ya, agad din s'yang tumayo.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Drake,

"Kay Cassy, kailangan n'ya kami ni Roxanne." tugon ko, agad naman silang nagsilapit.

"Sasama kami!" sambit ni kuya Jake, agad akong umiling.

"Ang sabi n'ya ay kami lang daw dalawa, bleh! Tara na Rox." paghila ko kay Roxanne, kumaway kami sa mga kasama namin para magpaalam, agad na kaming sumakay sa sasakyan ko.

Iminaneho ko na iyon ng nakangiti. Gustong-gusto ko talaga na isa ako sa nasasandalan ni Cassy kapag may problema s'ya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Roxanne,

"Sa townsite." tugon ko, agad ko ng binilisan ang pagmamaneho.

Ng makarating kami ay dali-dali kaming bumaba ng sasakyan. Inilibot ko ang paningin sa madilim na parte ng townsite, umaasang naroon si Cashannea.

"Besswap?"

"Cassy?"

Pagtawag namin ni Roxanne. Halos mapaatras kami sa gulat ng biglaan ang pagparada ng isang van sa harapan naming lahat. Lumabas ang limang lalaki kasabay ng isang pamilyar na lalaki.

"Ikaw na naman!" sigaw ni Roxanne, sa pagatras namin ay agad kaming hinawakan ng apat pang mga lalaki.

"Pakawalan n'yo kami! Bessywaaap!" sigaw ko, umaasang lalabas mula sa kung saan si Cashannea ngumit wala.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon