CHAPTER 76- THE FINAL PAYBACK.

530 21 5
                                    

CASSY'S POV.

Kinabukasan ay nagising ako ng sikat ng araw mula sa bintana. Dali-dali akong bumangon at nagbihis, ngayon pala ang birthday celebration ni Cyrone. Malamig narin kahit na tirik ang araw at ramdam na ang simoy ng pasko.

'December 24, sana ay maging napakasaya ng araw na 'to.'

Ng makababa ako ay kumpleto na ang lahat. Dalawang lamesa ang gamit, ang combats ang nagdedesenyo ng mga tela sa mesa, batid ko namang nasa kusina ang mga nanay namin at nakatoka sa pagluluto. Nakangiti nama akong sinalubong ni Cashannea.

"Hi babe!" bati ko,

"Goodmorning."

"Goodmorning, kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh."

"Sa labas na tayo kumain?"

"Hm sige."

Naging madali sa amin ang takasan ang mga kaibigan namin at kumain sa labas. Siguradong kukulitin kami ng mga 'yon para maka-sama namin sila.

Nakarating kami sa isang kilalang korean resto. Naupo na ako sa table at namili kami sa menu. Ilang minuto pa kaming nagtagal sa pagpili bago namin tinawag ang waiter.

"Annyeonghaseyo, what's yours maam?"

"Two bowls of this one, this and this, and also this, 2 per dishes, Gamsahamnida." tugon ni Scyle,

'Two bowls daw? Madaming tubol?'

"Ok sir, 10 minutes."

Naghintay kami ng ilang minuto. Ngunit ang kakaibang pakiramdam ay pinaninindig ang balahibo ko.

'May nakamasid ba sa amin?'

Pasimple kong inililinga ang paningin ko. Umaasang may mahahagip ako ng tingin sa kung saan ngunit bigo ako. Hindi ako pupwedeng magkamali dahil batid kong kanina pang may nakamasid sa amin ni Scyle.

"Here's your order sir."

"Thanks."

Agad kong kinuha ang bowl ko, patuloy parin ako sa paglinga at pagputol sa kyuryosidad ko.

"Nandito ako sa harap mo pero iba parin ang hanap mo." gulat akong napatingin kay Scyle ng sabihin n'ya 'yon.

"Pss, hindi naman kase ganon 'yon."

"Eh bakit may palingon-lingon ka d'yan?"

"W-Wala lang."

"Tsh! Pinagtataksilan mo na naman ako Cashannea."

!!!???

'Narito na naman sya...'

"Ayan ka na naman sa ilusyon mo, tigilan mo nga 'yan." asik ko,

"Hehe joke lang babe, kain na tayo."

Napangiwi nalang ako. Maging sa pagkain ay hindi natigil sa paglalambing si Scyle. Natatawa na nalang tuloy ako.

"Asawa ko?" tawag n'ya sakin, natatawa naman akong nag-angat ng tingin,

"Hindi mo pa ako asawa."

"Tsh! Darating din tayo dun, wag ka na ngang umangal!"

"Sure na sure ah?"

"Oo!"

Talagang nagmamatigas sya sa imahinasyon n'yang 'yon, ang imahinasyon n'ya na gustong-gusto kong mangyari. Sana nga ay magkatotoo.

"Tara na babe, baka hinahanap na tayol dun." anyaya n'ya, agad naman akong tumayo,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon