CHAPTER 29

746 38 14
                                    

DRAKE'S POV.

Ng makalabas si Cassy ay hindi na namin pinagtuonan ng pansin. May kung anong inis sa akin dahil sa ganda ng pakikitungo naming lahat sa isa't-isa ay hindi pala n'ya kami tinuring na kaibigan. Maging si Scyle ay pinaglaroan n'ya.

"Sundan natin si Cassy." mahinang bulong sa akin ni Shawn, nangunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya,

"Bakit naman natin gagawin 'yon?" inis na tanong ko,

"Sa ating lahat ay tayo dapat ang nakakaintindi Drake, kaya ipapaintindi ko sa 'yo lahat, tara na.." mahina na namang bulong n'ya, wala na akong nagawa kundi sumunod, nagpaalam s'ya kay Miss, ang mga kasama namin ay nagtaka rin sa biglaang paglabas namin.

Ng makalabas kami ay dali-dali kaming sumakay sa kotse ni Shawn. Nagmaneho s'ya papunta sa hindi ko alam na lugar. Ilang minuto pa kaming nagtagal dahil bumabagal ang pagmamaneho n'ya,

"Bilisan mo na, malilintikan tayo ng susunod na S.T eh." inis na sambit ko,

Kung bakit ba kase susundan pa namin si Cassy..

"Hindi kalayoan sa atin si Cassy, ayon lang s'ya.." ani Shawn, napasandal nalang ako.

Itinigil n'ya ang makina at tsaka bumaba, tala naman akong bumaba sa sasakyan at tiningnan s'ya,

"Maglalakad tayo papunta ro'n, malapit lang naman tara na." pagmamadali n'ya, sa madamong bahagi kami dumaan, may isang kotse na malapit kay Cassy, hindi kan'ya pero nagtago narin kami, nakaupo si Cassy sa upoan na naroroon habang kaharap ang isa pang upoan.

Ano namang gagawin n'ya rito?

Napailing nalang ako sa naisip. Maya-maya pa ay nagulat ako ng biglaan ang pagtulo ng mga luha n'ya na para bang kaytagal n'ya 'yong inipon dahil ganoon nalang ang pagbagsak ng mga balikat n'ya!

Tiningnan ko si Shawn at napayuko lang s'ya,

"Ngayon mo maiintindihan lahat.." mahinang aniya, naibalik ko nalang ang paningin ko kay Cassy, hindi n'ya kami nakikita dahil nakatalikod s'ya sa amin.

"Masaya sila kahit wala ako... Ayos na sa'kin 'yon..." nakangiting aniya habang umiiyak, nanlumo naman ako dahil sa bigat ng pagiyak n'ya, "Kung nasasaktan sila... Mas nasasaktan ako... Pss! Ang sakit kaya no'n... para rin naman sa kanila lahat eh.. Ayos lang na kamuhian nila ako... Basta ligtas sila.." napatindig ako at napalunok sa narinig, nakokonsensya ako sa trato namin kay Cassy nitong nakaraan, ipinamuka namin sa kan'ya na hindi na s'ya kabilang sa amin, at ngayon ay malalaman ko na hindi pala talaga n'ya kami pinaglalaroan,

Bakit? Hindi ko parin maintindihan...

"BAKIT AKOOO!?" nakatayo na si Cassy ng isigaw n'ya 'yon, natigilan naman akong pinanood s'ya.
"Ang gusto ko lang naman ay maging masaya!! Ikalawang beses na mawawalan ako ng mga kaibigan..." nanlulumong pagiyak n'ya na napapahawak na sa hita, naaawa ko naman s'yang pinagmasdan,

Sobra-sobrang sakit ang dala n'ya.. Ramdam ko...

"Whoooo!! Ang sayaaa!! Napaka malas mo Cashannea bakit ka pa nabuhay!!?" pagtukoy n'ya sa sarili, nakokonsensya naman akong napayuko, "Ni hindi ko nga alam kung ligtas parin sila sa ginawa ko eh.." pahina ng pahinang aniya, "Lord pagod na pagod na ako... Hindi ko na kaya pero kinakaya ko... Hinang-hina na ako pero para sa mga taong mahalaga sa akin ay kinakaya ko dahil hindi ako pwedeng manghina... Pero gusto kong aminin na... Sukong-suko na ako... Ayaw ko na... hindi ko na kaya..." humahagulgol na aniya, nangilid naman ang mga luha ko sa awang nararamdaman ko, hindi ko man lang naisip na ganito ang dahilan ng lahat, na ganito ang nararamdaman n'ya, parang halos lahat ng pagkamuhi ko sa kan'ya ay napalitan ng awa, nakakapanlumo! Kami parin pala ang dahilan kung bakit n'ya 'yon ginawa.
"Pero lalaban ako... Kinamumuhian man nila ako pero kahit kailan ay hindi ko sila papabayaan... 'yan ang pangako ko sa sarili ko..." dagdag n'ya bago tuloyang napaluhod, napapunas naman ako ng mga luha, si Shawn naman ay awa rin ang makikita sa mga mata n'ya,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon