CHAPTER 82- NEAR TO END

542 23 9
                                    

SCYLE'S POV.

Narito na kami sa harap ng isang malawak na warehouse. Maayos pa ang itsura ngunit kinakalawang na ang ibang parte ng mga bakal na nakakapit sa pader.

Nakasuot kami ng kasuotang pang-sindikato. Ang mga kasama ko naman ay hindi mapakali. Ito ang isa sa pinaka malaking grupo na makakalaban naming lahat.

"Katokin nyo." bulong ni Drake, napalunok pa muna kaming walo, ngunit agad ring kumatok si Shawn.

Ngayon ay iniisip ko kung ano na ang kondisyon ni Cashannea. Ng umalis sya kanina ay pinalipas muna namin ang tatlompung minuto bago kami sumunod. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko. Inililibot ko ang paningin ko at nagbabaka-sakaling makita ko sya ngunit wala. Ang Latitude 1990 at ang iba pang gang ay nasa kabilang lagusan ng bodega.

"Kayo ang mga bagong tuta?" tanong ng lalaki na syang nagbukas ng gate,

"Askal." maangas na tugon ni Shawn, nangunot ang noo ng lalaki na animoy nayabangan ngunit hinayaan rin kaming makapasok,

"Sige pasok." padabog na sambit ng lalaki,

"Salamat tuta." pangaasar ni Forth, mukhang mapapaaga ang gulo dahil sa mga kasama kong to,

Nasaan ka na ba Cashannea?

Naglakad kami papasok. Maayos pa ang itsura ng bodega. Inulit ng tatlong beses ang bodega ni Lithor sa bodega na to, masyado itong malaki. Ng makapasok kami at mahinto sa gitnang bahagi ng bodega ay doon lumabas ang isang matangkad at makisig na lalaki mula sa kabilang dulo.

"Sila na ba 'yon?" tanong nito, yumuko ang mga lalaking nakabuntot sa amin tsaka tumango,

"Sya na ba si Cooler?" bulong ni Romnick,

"Sya na nga yon te."

"Ayy real? Gwapo ah?"

"Lafang te, fafa ng lahat."

Napapikit nalang kami tsaka sila sinita. Napatakip naman sila sa bibig tsaka muling pinatigas ang katawan para magmukhang lalaki.

"Kung ganoon ay maupo kayo." sambit ni Hither, pasimple ko munang pinunasan ang pawis ko tsaka ako naupo sa inihanda nilang mahabang upoan.

Ang init kapag may kasama kang Hither, gets nyo?

"Maliban sayo." lahat kami ay natigilan ng sabihin iyon ni Hither, nagkatinginan pa muna kami bago naglipat ng tingin sa kanya.

Diretso lang syang nakatingin sa akin habang humihithit ng tabacco.

"Ako?" tanong ko, tinitigan nya lang ulit ako kaya hindi na ako naghintay ng sagot, nanatili nalang akong nakatayo.

"Hahatulan ka na yata dre." bulong ni Drake, sinamaan ko lang sya ng tingin tsaka ko muling tiningnan ang kumpol ng mga tao ni Hither.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko, ngumisi si Hither tsaka naupo sa upoan na nasa harapan namin.

"Iyan ang pinakagusto ko, yung magalang." tatango-tangong aniya, umusbong naman ang kakaibang pakiramdam sa sistema ko, mukhang napapaniwala na namin s'ya.

"Kami rin po ay magalang." sabat ni Shawn, dahan-dahang tumango si Hither tsaka sinenyasan ang isa sa mga bata nya,

Inilapit nito ang bibig sa tenga ng tao nya tsaka may ibinulong na silang dalawa lang ang nakakarinig.

"Pinagchi-chismisan ba tayo ng mga yan?" mataray na tanong ni Forth, sinenyasan naman sya ni Roxanne na manahimik tsaka sya napabuntong hininga

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon