CHAPTER 70

556 21 11
                                    

SCYLE'S POV.

Nakarating kami sa condo-hotel. Nakauwi na sa kan'ya-kan'yang bahay ang mga pamilya namin. Samantalang kami ay mas piniling manatili dito.
Nasa kan'ya-kan'ya ng kwarto ang lahat. Ako naman ay nasa kwarto ni Cashannea. Nakaupo lang kami sa sofa habang nakatanaw sa tanawin, malapit ng magtanghalian ngunit hindi ako nakakaramdam ng gutom.

"Sa tingin mo babe? Malapit na bang matapos ang gulo sa pagitan natin at nila Lithor?" tanong ko kay Cassy, agad naman s'yang humugot ng malalim na hininga,

"Hangga't buhay ang mga Faigon, hindi matatapos ang gulo." tugon n'ya, bigla akong nakaramdam ng kaba,

"Magiingat ka palagi babe." sambit ko, nilingon n'ya ako tsaka s'ya ngumiti,

"Kahit na hindi ako magingat, magiging ligtas parin ako." mayabang na aniya, napangiwi nalang akong sumandal sa sofa.

"Hindi ka dapat mapahamak, naiintindihan mo?" seryosong tanong ko, tumango s'ya at tsaka nagbalik ng tingin sa nagtataasang gusali.

Bigla ko namang naalala ang White Shadow Gang. Hindi ko alam kung babalik ako o tutulongan ko nalang silang magbagong buhay. Alam kong hindi magugustohan nila mom and dad kapag bumalik ako, lalo na si Cashannea.

"Yung mga lalaking kasama mo kagabi ng punatahan n'yo si Athena at Roxanne, sino ang mga 'yon?"

Agad akong napalunok sa tanong n'ya. Nagdadalawang isip pa ako sa isasagot. Hindi ako makaisip ng palusot.

Anong sasabihin kooo??

"S-Sila ang... W-White Shadow Gang." sambit ko, agad s'yang napalingon sa akin, para bang pinapasok nito ang isip ko.

"WSG? Paano mo sila nakilala?" kunot-noong tanong n'ya, napalunok na naman ako, hindi ko gusto ang magsinungaling, pero hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo.

"B-Bakit mo natanong?" tanong ko, nagiwas s'ya ng tingin at tsaka sumandal sa sofa.

"Palagi silang nakabuntot sa amin dati, minsan narin akong nailigtas ng isa sa kanila." tugon n'ya, napatango naman ako, pilit kong inalala lahat ngunit wala akong maalala.

"A-Ahh.." pilit akong nag-isip ng susunod na maitutugon, "Nagugutom na ako babe, baba na tayo." wala na akong naisip na ibang sasabihin,

"Sige, tara." anyaya n'ya, nakahinga naman ako ng maluwag at agad na sumunod sa kan'ya.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon n'ya sa oras na malaman n'ya ang totoo. Kung kakayanin ko bang harapin ang galit n'ya kung sakali. Hindi ko rin alam kung sa anong paraan n'ya malalaman ang totoo, ngunit sisiguraduhin ko na sa akin mismo manggagaling iyon, sasabihin ko sa kan'ya ang totoo balang araw.

Nakababa na kami ng restawran, nandoon na rin ang lahat. Halos simula ng manatili kami rito sa condo-hotel ay palagi kaming nahuhuli sa kainan. Naupo kami ni Cashannea sa dalawang bakanteng upoan.

"Akala namin ay wala na kayong planong bumaba." sambit ni ate Alex, matunog nalang akong natawa.

"Hindi ako nagugutom." sambit ni Cashannea, agad ko s'yang nilingon, nakatingin lang s'ya sa plato habang nakasandal sa sandalan ng upoan.

"Ayos ka lang babe?" tanong ko, agad naman s'yang ngumiti at tsaka tumango,

Hindi na kami nagsalita at tsaka seryosong kumain. Linggo ngayon at hindi namin alam kung papaano igugugol ang nalalabing oras ngayong araw. Mas nanaisin ko nalang siguro ang matulog kung wala kaming ibang gagawin. Hindi matigil ang tawanan ng lahat ng lalo na kapag ang ikatlong lahi ang bumabanat. Minsan rin ay seryoso ang usapan na nauuwi lang rin minsan sa kalokohan dahil sa ikatlong lahi.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon