CHAPTER 23

870 37 8
                                    

CASSY'S POV.

Nakausap ni Shawn ang doctor para sa condo nalang ako magpapagaling. Hindi ito pumayag nung una ngunit napilitan rin.

Ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko ngunit hindi ko na ininda dahil sa aming lahat, ako ang hindi pwedeng manghina.

"Huwag ka na ngang makulit, aalalayan kita." pagpupumilit ni Scyle, sinamaan ko naman s'ya ng tingin pero gumanti s'ya ng mas nanlilisik na tingin,

Parang bata.. Pss!

"Kaya ko." pagmamatigas ko rin pero sininghalan n'ya lang ako,

"Sino bang nagsabing hindi mo kaya? Ang sabi ko aalalayan kita, hindi ko sinabing hindi mo kayang maglakad magisa, aangal ka o kokotongan kita?" bantang tanong n'ya pa, inirapan ko lang s'ya at tsaka hinayaan s'yang alalayan ako.

Ganoon rin naman ang mga kasama ko sa likod na todo rin sa pagalalay. Nakasakay na kami sa kan'ya-kan'yang sasakyan, ako ay sumabay sa kotse ni Scyle dahil nagpumilit na naman naman s'ya na sa kan'ya ako sasakay.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay tsaka ko lang napansin na gabi na magdidilim na pala.

"P-Pwede mo bang bilisan ang pagmamaneho?" pagmamadaling sambit ko kay Scyle,

"Bakit muna?" parang batang tanong n'ya,

"Hindi ko pinapalampas ang mga bituin tuwing alas syete." tugon ko habang sinisilip pa ang kalangitan,

"Tapos iiyak ka na naman? Tsh! Ayoko." nagmatigas s'ya at tsaka binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"Scyle! sige na hindi ko pupwedeng palampasin 'yon!" pahampas-hampas ko pa sa kan'ya,

"Aray! Aray! Nagmamaneho ako oh! Ibabangga ko 'to tingnan mo!" pagbabanta n'ya pa habang todo parin sa pagiwas,

"Bilisan mo na kase!" mas hinampas ko pa ng malakas ang braso n'ya, humagikhik lang s'ya kaya tumaas ang kilay ko.

"6:20 palang naman oh! masyado kang nagmamadali." nakangisi pang aniya, napasandal naman ako habang magkakrus ang mga braso, hindi ko talaga pwedeng palampasin 'yon kaya't hind ko s'ya pinansin,

Makokonsensya naman siguro to...

Hindi ko s'ya nilingon at nasa daan lang ang paningin ko habang nakakunot ang noo ko.

"A-Ahh.. Sige na bibilisan na natin." usal n'ya pero hindi parin ako lumingon, nanatili akong nakatingin sa bintana, "Edi sige babagalan ko nalag.." aniya pa pero hindi ko parin s'ya pinansin.

"H-Hoy!" tawag n'ya sa akin, hindi parin ako nagpatinag bagaman gustong-gusto ko ng tumawa sa ginagawa n'ya,

Ganito na ba s'ya maglambing? Hindi ako satisfied...

"B-Bibilisan ko na yung pagmamaneho..." patuloy parin ang pagkuha n'ya sa atensyon ko ngunit hindi parin ako nagpatinag,

Ng hindi ko s'ya pansinin ay sandali s'yang nanahimik, gusto kong silipin ang mukha n'ya pero mas gusto ko ang pangaasar na ginagawa ko.

"A-Ayaw ko kasing umiiyak ka.." sambit n'ya, hindi ko na napigilan ang sarili kong mapalingon, nakangiti s'ya habang nasa daan ang paingin, "Pakiramdam ko ay nasasaktan rin ako kapag nasasaktan ka.." dagdag n'ya, "P-Pero hindi kota gusto ah?..." natigilan pa s'ya sa sinabi n'ya, "O-O sige.. hindi ko pa naiintindihan ang nararamdaman ko pero basta, ang ayaw ko ay ayaw ko, at ayaw kong umiiyak ka." makapangyarihang aniya, napangiti naman ako ng palihim dahil nanatiling nasa daan parin ang paningin n'ya,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon