CHAPTER 59

446 23 16
                                    

SCYLE'S POV.

Nakarating na kami sa condo-hotel. Inihatid ko pa muna si Cashannea sa unit n'ya. Hindi na kami nakapag-usap kanina dahil sa biglaang pagsulot ng mga lalaking iyon, palagi nalang nalalagay sa panganib ang buhay ni Cashannea.

"Sige na babe, matulog ka na." sambit ko ng makarating kami sa pinto ng unit n'ya,

"Huwag ka ng magselos ha?" aniya, ngumiti ako at tsaka hinalikan ang noo n'ya.

"Iintindihin kita hangga't kaya ko, sige na." sambit ko at tsaka niyakap s'ya, nginitian n'ya ako, hinintay ko pa s'yang makapsok sa loob, ng akala kong papasok na s'ya ay nagulat pa ako ng hilahin n'ya ako papunta sa loob.

Isinara n'ya ang pinto at agad akong hinalikan sa labi, hindi ko narin binitawan ang pagkakahalik n'yang 'yon. Ilang segundo iyong nagtagal bago s'ya bumitaw.

"Hindi ka dapat magselos, sayo lang ako." aniya, may kung anong kiliti naman amg dulot niyon sa akin, niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"May tiwala ako sayo, sige na."

"Salamat babe."

Nginitian ko s'ya at muling dinampian ng halik sa labi, binuksan ko ang pinto at tsaka ako lumabas. Napayuko ako at tskaa ngumiti. Hindi nga talaga siguro ako dapat magselos. Bago pa man ako dumiretso sa kwarto ko ay dumiretso ako sa kwarto nila Mommy at Daddy, namimiss ko na sila kaya kumatok ako, pinagbuksan rin naman ako ng pinto ni Mommy at tsaka ako pinapasok.

"Oh anak? Ginabi kayo ng uwi, hindi ka pa ba matutulog?" tanong n'ya, naupo ako sa kama nila.

"Nasaan si dad?"

"Nasa opisina pa, may problema ba anak?"

Napahugot lang ako ng hininga at tsaka nilingon ang bintana, napupuno na iyon ng mga bituin. Naalala ko ang patungkol sa panaginip ko.

"Palagi kong napapanaginipan ang isang templo mom, anong ibig sabihin no'n?" tanong ko habag nasa bintana parin ang paningin.

"May naaalala ka na?" tanong ni mom habang papalapit sa akin, napansin kong nakangiti s'ya.

"Naaalala?" nagtatakang tanong ko,

"Ahh, nothing." agad na lumungkot ang mukha n'ya, "Are you thinking about the arranged marriage?" mas lalong bumagsak ang mundo ko ng maala ko ag bagay na 'yon.

Noong isang araw pa sinabi sa akin 'yon ni Mommy. Kaya halos idalawang araw akong naging seryoso. Hindi ko parin matanggap, ibang babae ang gusto ko at hindi ako papayag na ipakasal sa isng babae na hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala.

"Hindi ako papayag na matuloy ang kasal na'yan mommy, si Cashannea ang papakasalan ko." inis na sambit ko, naluluha naman s'yang napangiti.

"Balang araw ay maiintindihan mo rin lahat, sa ngayon, sana maintindihan mo na hindi na kailanman mababago ang desisyon ng lolo mo."

Napayuko ako at hindi napigilan ang luha. Napakamalas ko parin pala. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Ni hindi ko nga maalala na may lolo ako kay mommy.

"Hindi ko hahayaan na matuloy 'yon."

"Kung iyan ang gusto mo, mabuti pang huwag mo na munang isipin 'yan, matagal pa 'yon anak, isipin mo nalang muna si Cashannea, ok?" napangiti nalang ako, mabuti pa ngang hindi ko na muna alalahanin ang bagay na iyon.

Niyakap ko si mommy, hindi narin ako nagtagal sa kwarto nila. Dumiretso ako sa kwarto ko ng puno parin ng pala-isipan. Naghalf-bath ako at tsaka nagbihis ng pantulog. Nahiga ako sa kama kahit na patuloy parin akong nagugulohan. Hindi ko narin namalayan na nakatulog na pala ako...

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon