CHAPTER 32- THE PAYBACK II

788 38 6
                                    

SCYLE'S POV.

Ng magising ako ay puting ilaw na ang naaaninag ko. Iniangat ko ang ulo ko at inilibot ang paningin. Nasa ospital kami at ang mukha ng mga kasama ko ay nasa pinto, napatingin naman ako ro'n.

"Mokong... Pre, gising ka na.." paglapit sa akin ni Drake, sumandal naman ako sa headboard ng hospital bed at tsaka takang pinagmasdan ang mukha nila.

Napayuko naman ako ng maalala ko na naman si Cashannea. Bahagya pang nangilid ang mga luha sa mata ko ng mapagtanto na hindi man lang n'ya kami pinuntahan. Dahil kung iniligtas n'ya kami ay dapat nasa tabi ko s'ya.

"Hindi man lang dumating si Cassy?" iniangat ko ang paningin ko sa kanila ng itanong ko 'yon, ngumiti naman sila ng pagkatamis-tamis na lubos ko namang ipinagtaka.

"Siya ang nagligtas sa 'tin Scyle.. S'ya na naman." tugon naman ni Athena, agad naman akong napabangon at hinanap s'ya ngunit wala akong nakitang bakas ni Cassy.

Gustong-gusto na kitang makita.. Gustong-gusto na kitang mayakap...

"Hindi n'ya man lang ako hinantay na magising? Tsh!" seryoso at inis talagang usal ko, napatingin naman kaming lahat kay Roxanne ng bigla s'yang humugot ng malalim na hininga at binitawan iyon ng nangingilid na ang luha sa mga mata n'ya.

"Galit pa ba kayo kay Cassy?" garalgal na tanong ni Roxanne,

"Hindi naman mawawala 'yon, kahit pa tinulongan n'ya tayo, nandoon parin ang katotohanang hindi n'ya talaga tayo itinuring na kaibigan." kunot-noong tugon ni Romnick.

Bigla namang pumasok ang isang nurse at iniabot ang isang phone na nasisiguro kong hindi akin.

"Natagpoan ko po ang phone na 'to sa bulsa ng pantalon n'yo sir." abot sa akin ng nurse, tumango lang ako at kinuha iyon, lumabas rin naman ang nurse.

Ng mabuksan ko ang phone ay wala iyong password at notes agad ang bumungad sa akin. At naroon ang maikling sulat na ipinagtaka ko.

'Go to voice recorder, click the files and play all of my voice records.'
-Cashannea.

Kunot noo ko naman iyong sinunod. Ng maclick ko ang voice recorder ay pumunta ako sa files at pinindot ang kung ano mang mapindot ko, nagsilapit rin naman sila sa akin.

Playing...⏸

"Miss na miss ko na kayo... Hindi ko alam kung papaano pa ako babalik sa inyo. Pero sana ay masaya kayo ngayon.. Patawad kung naipagtabuyan ko kayo ha? ayaw ko kaseng napapalapit kayo sa akin, sa tuwing napapamahal kayo sa akin ay mas nasasaktan kayo.. Ayaw kong nasasaktan kayo... Hindi ko kayang nasasaktan kayo.. Mahal na mahal ko kayo. Gusto ko ng tumawa kasama kayo, gusto ko na kayong mayakap at makasama.. Gustong gusto ko na kayong masandalan, maiyakan, gusto ko ng sumaya."

Agad na tumulo ang luha ko, sobrang sakit pakinggan ng boses ni Cassy na sobrang tagal kong hindi naririnig. Halos lahat kami ay manghina at mapaupo sa katotohanang narinig! Napatulala ako habang pinagmamasdan ang phone at sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha sa mata ko! Sobrang bigat ng boses n'ya na para bang kaytagal na n'yang umiiyak.

Napapikit ako at gustong mayakap si Cassy, gustong-gusto ko. Gusto kong tumakbo kung nasaan man s'ya at yakapin ng sobrang higpit!

Cashannea... I'm sorry...

Muli akong pumindot ng clip para mapakinggan.

Playing...⏸

"Pago na pagod na akong umiyak... Miss na miss ko na kayo... Miss na miss na kita Scyle, gustong-gusto ko ng maramdaman ang yakap mo, yung yakap mo na nagpapagaan ng loob ko... Ayoko ng makulong sa ganito kasakit na sitwasyon... Hindi ko alam kung paano ko aayusin lahat pero ipinapangako kong babalik ako... Kahit na sa tingin ko ay wala na akong babalikan, babalik parin ako... pangako... Scyle mahal na mahal kita, patawad sa lahat..."

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon