CHAPTER 71- THE PAYBACK VII

601 26 10
                                    

SCYLE'S POV.

LUNES ngayon, naghahanda kami para pumasok. Nagmadali na akong kumilos at nagpunta sa banyo para maligo.

"Goodmorning handsome!" sigaw ko habang kinikindatan ang sarili sa salamin.

Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon, kailangan maging magaan lang dapat dahil akin na ulit si Cashannea yiieehehahaaaa!!

Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas at nagbihis. Ngayon ay gusto kong magmukhang perpekto. Simula sa pagaayos ng bawat hibla ng buhok ko patungo sa pagaayos ng necktie ko hanggang sa tamang pagkakapasok ng mga botones ng polo ko, lahat yun ay sinigurado kong tama.

Tsh! Kahit naman hindi ko gawin to ay gwapo parin ako!

Kinuha ko ang susi ng sasakyan at tsaka isinabit ang bag sa balikat ko. Agad na akong lumabas at bumaba sa restwaran, at kagaya ng nakasanayan, nagkasabay lang kami sa pagbaba ni Cashannea, inakbayan ko pa muna s'ya bago kami nagpunta sa lamesa namin.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong ko, agad naman s'yang ngumiti at umupo ng ipaghila ko s'ya ng upoan,

"Ayos naman, ikaw?" tanong n'ya, nag thumbs up lang ako at tsaka kami nagsimulang kumain.

Napuno parin ng tawanan ang lahat. Sila Haezi, Hyemi at Driana naman ay nagsiuwi na sa kan'ya-kan'yang bahay. Si Chardette ay hindi kayo maniniwala kung ano na s'ya ngayon,

Myembro na s'ya ng Villeheart...

"Ala eh, Iba talaga kapag assistant leader ng natitirang pinakamalakas na gang sa buong pampanga." pagpaparinig ni Berton, agad namang natawa si Chardette,

"Sobrang swerte ko diba?" pagyayabang nito at tsaka nagtuloy sa pagsipsip ng nakasarang tahong,

"Bakit hindi mo nalang buksan 'yan?" asik ni kuya Arnel, agad naman s'yang pinagkunotan ng noo ni Chardette,

"Sabaw lang ang gusto ko, hindi ako kumakain ng tahong." giit ni Chardette, natatawa namang inagaw ni kuya Arnel ang tahong,

"Akin na nga 'yan, marunong akong kumain ng tahong..." malaki ang nakakalokong ngisi sa mukha ni kuya Arnel habang si Chardette naman ay parang sasabog na sa tingin habang nakatitig sa leader niya.

"Edi kainin mo." inis na sambit ni Chardette at tsaka ibinaling ang atensyon sa pagkain,

"Kakainin ko ang tahong mo?" agad na nanlaki ang mata ni Chardette at bahagya pang namula ang pisngi n'ya, natatawa naman kaming pinanonood sila habang animo'y mabubugbog na katawan ni kuya sa lakas ng mga hampas at suntok ni Chardette.

"Ikaw ba talaga ang leader ha? Arnel?" pangaasat ni kuya Jake, ngumiwi nalang si kuya,

"Napaka Amazona naman n'yang girlfriend mo." pangaasar ni Romnick, sinamaan lang s'ya ng tingin ni Chardette.

"Sa pagkakaalam ko ay assistant ko lang 'to, pero mukhang mas matapang pa sakin." tugon ni kuya Arnel habang tinutukoy ang walang mapagsidlang inis na ekpresyon ng mukha ng kasintahan, hanggang ngayon ay hindi namin lubos maisip kung papaano ba nanligaw si kuya Arnel at napakabilis n'yang napasagot si Chardette.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa napagdesisyonan na naming umalis. Nagpaalam kami sa villeheart. Agad naman kaming nagsisakay sa kan'ya-kan'yang sasakyan habang si Cashannea ay sa akin parin sasabay.

Ilang minuto naming tinahak ang daan hanggang sa nakarating na kami sa skwelahan. Nakarating kami sa parking lot at tsaka nagsibaba, lumanghap muna kami ng hangin at tsaka kami nagtipon.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon