CHAPTER 25

830 39 3
                                    

SHAWN'S POV.

Sabay-sabay kaming bumili ng ticket at sabay-sabay na pumasok, ang ikatlong lahi ay sobrang kulit at halos nakakabangga na ng tao dahil hindi talaga humiwalay sa pagkakaakbay nila sa isa't-isa.

"Huy nakakabangga kayo hahaha." sita sa kanila ni Roxanne,

"Aba bahala sila 'no, trip namin 'to." mataray na aniya at tsaka nagpatuloy sa pagsipa-sipa,

Csh! Para silang mga tanga hahahaha!

Tinanaw ko sila Cassy at Scyle na nagtatawanan narin papunta sa 'min. Sa aming lahat ay sila ang pinaka bagay, hindi maipagkakaila.

Tinanaw ko naman si Hyemi na diretsong nakatingin sa akin, hindi ko na s'ya pinansin dahil baka pagselosan iyon ni Roxanne at ayaw kong mangyari 'yon.

Huminto kami sa upoan malapit sa ankors away. Ng maupo kami doon ay nagbotohan muna kami ng pinaka unang ride na sasakyan.

"I'll suggest Rio Grande!" sigaw ni Hyemi, napangiwi naman ako dahil nasakyan ko narin iyon dati.

"Csh! Tsaka na ang rides na mababasa tayo, doon muna tayo sa walang tubig." singhal ko, napatawa naman s'ya,

"Masaya sa rio grande! Pwede namang unahin 'yon no?" pagmamatigas n'ya,

"Eh kung mabasa ka? Tapos matuyo? Magkakasakit ka pa magisip ka nga." usal ko, at nagtaray naman s'ya.

"Nagbobotohan pa kayo, eh nand'yan lang naman 'yan oh!" biglang sabat ni Drake habang itinuturo ang malaking barko sa likod namin, ang akors away.

Ng huminto 'yon ay agad namang tumakbo doon si Drake at Athena, nandoon na naman ang nanlilisik na tingin ni Driana.

Hinawakan ko ang kamay ni Roxanne at nagpunta narin kami ro'n, hindi pa kami agad nakadiretso dahil hinintay pa namin sila Scyle at Cassy.

"Tara naaa!" paghila ni Cassy kay Scyle,

"Ayoko ngaaa.. Ayoko d'yan!" pagangal ni Scyle habang pilit na lumalayo, pilit rin naman s'yang hinahablot ni Cassy,

"Sige naaa tara naaa!" paghablot parin ni Cassy sa kay Scyle, nagmatigas naman si Scyle at naupo sa bench habang nakayakap pa sa sandalan para hindi mahila ni Cassy,

Parang bata hahaha..

"Ayaw!" pagmamatigas ni Scyle, umupo naman si Cassy sa tabi n'ya habang nagmamaktol parin dahil halatang inis na s'ya sa katigasan ng ulo ni Scyle,

"Sige na babyyy ah babyyy ah bulaga! Tatayo na 'yan yeeey!" kinausap s'ya ni Cassy na parang bata at pinipilit parin tumayo,

"Sige baby." sagot ni Scyle na malaki ang ngiti, kinilig naman si Roxanne sa kanilang dalawa. Kumunot naman ang noo ni Cassy sa kan'ya,

"Baby ka d'yan! Tayo na!" pilit paring pagpapatayo ni Cassy sa kan'ya,

"Ang bilis naman, hindi pa nga kita nililigawan, tayo na agad? Hahayss patay na patay ka sa akin ah?" natatawa pang saad ni Scyle hinampas naman s'ya ni Cassy,

"Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka d'yan!" inis na naglakad si Cassy,

"H-Hoy hintayin mo 'ko baby sasakay na 'ko!"

"Heh! madapa ka sana!"

"Ang sama mo sakin baby ha?" humahabol paring sambit ni Scyle,

"Ang cute nila 'no?" kinikilig na tanong ni Roxanne,

"Yes love." sagot ko, natigilan naman s'yang napatingin sa akin,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon