CHAPTER 46

627 22 4
                                    

WARNING, MATURED CONTENT:
Wala lang, kissing scene ulit hehe. Hoy ah! Baka isipin n'yong puno ng kamanyakan 'yong isip ko dahil para sabihin ko sa inyo, tama kayo! Hehehe biro lang, ge continue.

CASS'YS POV.

IKALIMANG araw na namin dito sa resort nila Drake, hindi ako nagsasawa kahit na halos paulit-ulit lang ang pinag-gagagawa naming lahat. Kalalabas ko lang ng C.R para magpalit ng damit bago bumaba para mag-agahan.

Naglalakad ako sa hallway ng makabangga ko ang isang lalaki, nangunot pa ang noo ko dahil baka isa rin ang lalaking 'to sa mga tiktik ni Lithor.

"Pasensya na." paumanhin n'ya, hindi ko naman s'ya kakikitaan ng pagkailang kaya nasisiguro akong mali ang akala ko.

Pansin ko pa ang tatto n'ya sa braso, isang pulang globo.

Myembro s'ya ng Latitude 1990?

Hindi ko maiwasan ang magtaka kung bakit sila napadpad sa lugar na 'to. Kung titingnan ko ay mahahalata na wala s'yang room ni isa sa rooms ng hotel na 'to dahil balot ang katawan n'ya, parang kararating lang.

Hindi ko na pinansin at naglakad ulit ako, isang Lobby pa ang lalakarin ko bago makalabas. Hindi ko mapigilan ang maipasok sa inaalala ko ang lalaking 'yon.

Nansito rin si Terso, posible kayang magkasama sila? Pero bakit? Bakit nila sinekreto na buhay si Terso?... Pero hindi eh, si Terso nga ba talaga 'yon? Pss! Sasabog na ata ang utak ko.

Hindi ko namamalayan na naririto na pala ako sa lamesa namin, agad naman akong pinaupo ni Scyle, hindi narin ako kumibo at agad sumunggab ng pagkain, medyo gutom rin ako dahil mukhang ngayon ko lang naramdaman ang gutom sa mga oras na nalilipasan ako ng kain.

"Hinay-hinay babe." natatawang suway sa akin ni Scyle, natawa rin akong naghinay-hinay,

"Sobrang gutom lang talaga ako." tugon ko, napangiti naman s'ya.

Ilang minuto pa akong nagtagal sa pagkain. Lahat sila ay naibaba na ang pagkain sa tiyan samantalang ako ay kailangan pang magpahinga para mawala ang bigat ng tiyan ko.

Hindi ko maiwasan ang magtaka kaya kumuha ako ng tyempo para matanong ang mga ate at kuya ko.

"Kuya?" lumingon si kuya Arnel,

"Hm?"

"Maraming myembro pa ba ng L1 ang buhay?" tanong ko,

"Marami parin ang natira sa L1, nabawasan lang sila ng mahigit dalawam-pu dahil sa pagkasunog ng magarang bodega nila." tugon ni kuya, napatango nalang ako.

"Nanghihinayang ako sa Latitude 1990, naagaw ng Lithorious ang rank 1 ng mga pinaka kilalang gang sa buong pampanga, o sabihin na nating buong pilipinas." saad ni kuya Jake, napaisip naman ako, mas gumulo pa ang laman ng isip ko, mas maraming tanong,

Hindi man lang sila naghiganti? Wala man lang bang nagalit? Imposible, walang gumanti kila Lithor? Maaari kayang hindi pa talaga matatawag na paghihiganti ang gagawin ko kay Lithor, posible kayang may mas malaking paghihiganti pa ang magaganap?

Pilit kong inalis muna ang mga isiping iyon, kailangang hindi ako magpadala sa sangkatutak na problemang 'yan, magsasaya kami ngayon, dalawang araw nalang ang nalalabing pagsasaya namin dito. Kung tutuosin ay masaya rin naman ang paguwi namin dahil kaarawan iyon ni Athena.

"Hays ilang araw nalang debut ko na!" speaking of,

"Talaga?? Bakit hindi ko alam?" nakangusong tanong ni Drake,

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon