CHAPTER 67

462 25 12
                                    

SCYLE'S POV.

"Babalik ako, babalikan kita." aniya,

Wala na akong nagawa kundi tanawin ang pag-alis n'ya. Wala sa sarili akong napaupo sa daan dahil sa panghihina. Hindi ko na alam kung ano pang dapat gawin. Gusto kong tumakbo, gusto ko s'yang habulin. Ayokong mawala ulit s'ya sa tabi ko, kasalanan ko lahat ng 'to.

Kung pinakinggan ko lang sana s'ya... I'm so stupid!!

Nasapo ko ang ulo ko habang patuloy parin sa pagiyak. Lumapit sa akin ang mga kasama ko. Hindi ko sila maharap dahil maging ako ay hiyang-hiya sa nangyari.

"Hindi ko alam, lasing ako hindi ko alam." tanging naisambit ko, agad naman nila akong hinapo at pina tahan sa pagiyak.

"Alam namin, alam ko ring hindi mo magagawa kay Cassy 'yon.." pagpapagaan ni Shawn sa loob ko, nagpatuloy parin ako sa pagsabunot sa sarili ko.

"May tiwala ako sayo, hintayin nalang natin si Cassy, babalik s'ya kagaya ng sinabi n'ya." naiangat ko ang paningin ko magsalita si kuya Arnel, mas lalo nalang akong naiyak dahil sa kagagohan ko!

"Scyle!" natanaw ko agad si Kaera na papalapit sa akin, agad akong tumayo para itulak s'ya.

"How dare you!? Alam mo ba kung anong ginawa mo!?" inis na tanong ko sa kan'ya, agad naman s'yang lumapit pero muli ko s'yang itinulak, "Get out of my sight Kaera!!" sigaw ko, tiim bagang pa s'yang naglakad paatras.

"I'm just your rebound girl?" tanong n'ya, inis ko naman s'yang tiningnan,

"Ikaw ba yung klase ng babae na dapat seryosohin!? You're so stupid!" sigaw ko, alam kong mali ang ginawa ko ngunit mas mali ang ginawa n'ya!

"I'll make you mine, Scyle, I'll make sure you'll fall inlove with me." malanding sambit n'ya,

"I will never fall inlove with you, never." sambit ko at tsaka naglakad papasok, inayos ko ang sarili ko at tsaka kinuha ang gamit ko.

Nasira ko ang birthday party ni Athena...

Lumabas ako ng gate at nanatili naman silang nasa labas at malalim ang iniisip. Agad akong lumapit sa kanilang lahat dala ang susi ko.

"I'm sorry if I ruined your night Athena, I need to go." paalam ko, nakangiti s'yang tumango,

"It's Kaera, not you who ruined this night, sige na." aniya, ngumiti lang ako at tsaka ako nagpunta sa kotse ko.

Pumasok ako sa loob at tsaka ko pinaharurot iyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang gawin ay magmaneho at umiyak. Gusto kong mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto kong maging maayos ang lahat. Gusto kong maglaho saglit.

Nagpunta ako sa isang lugar na kaparehong-kapareho ng town site. Ipinarada ko ang kotse ko doon at tsaka ako lumabas para tanawin ang buong lugar mula sa kinatatayuan ko. Naupo ako doon at tsaka ako muling umiyak, umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawala lahat ng sakit. Hindi ko na alam kung papaano pa ako gigising kinabukasan ng mas nasira pa ang buhay ko.

"Bakit kase napaka tanga ko eh.." wala sa sariling sambit ko, halos pumiyok pa ako dahil sa bigat ng pagiyak ko.

Paano ko aayusin lahat?

Naisipan kong kunin ang phone ko at idial ang number ni Cashannea. Hindi ako umaasang sasagutin n'ya pero kailangan kong subukan, ayokong mawala s'ya.

[ Dialing... ❤Babe❤ ]

Ilang segundo akong naghintay ng sagot n'ya. Yumuko ako habang idina-dial ang number n'ya. Halos mapabalikwas pa ako sa pagkakaupo ng sagutin n'ya ang tawag ko.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon