CHAPTER 27

793 34 4
                                    

SCYLE'S POV.

LUNES ngayon, nasa skwelahan na ako at kabababa lang sa sasakyan ko, naro'n narin ang sasakyan ni Cassy, gumanda naman ang ngiti ko.
Naglakad ako sa hallway ng Mythical Garden, napatigil pa ako ng makita ang CWG at Fab gang na nakatambay ro'n, puno ng benda ang katawan.

Tsh! Dapat lang sa inyo 'yan..

Ng makarating ako sa room ay kumpleto ang lahat maliban sa ikatlong lahi at sa charger ko! Inilibot ko muna ang paningin ko dahil baka naglalakad-lakad lang 'yon pero wala talaga. Kunot-noo akong dumiretso sa upoan ko.

"Nasaan si Cassy?" tanong ko kay Drake, nagkibit-balikat naman s'ya, sumandal nalang ako sa upoan,

"Hoy may program ngayon! Mamaya ay bababa na tayo!" sigaw ni Athena, napatingin naman ako,

Hindi kaya... Nasa program si Cassy?... Tsh! Ano namang gagawin n'ya do'n??...

Sumandal nalang ako ulit at tsaka tumingin sa kawalan, nakakainis, wala ang charger ko! Wala akong energy!

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumunog ang sound system sa Gymnasium, hudyat 'yon para magsibaba na ang lahat. Magkakasama kaming bumaba at naglakad papunta sa Court, magkakasama ang isang section at naupo kami sa gitnang bahagi ng left bench na nasa side, nakaharap ksmi sa gitna ng court, ang buong gitna ng court ay magsisilbing stage para sa mga may presentation.

"Nasaan na ba kasi si Cassy?" tanong ko, nagbungisngisan naman sila, nginiwian ko sila at tsaka ako tumingin sa stage, naroon na ang school master, kasama ang iba pang may matataas na katayuan sa pampanga at sa school.

"Ladies and gentlemen, Goodmorning." paunang bati ni Master, tumugon rin naman kami, "Today is the most special day for us, because today, you will help us welcome the owners of this School, none other than.. The Royal Family!" dagdag ni Master, bakas ang excitement sa kanilang lahat, nagpapalakpakan at naghihiyawan.

"Easy students... Calm down,are you excited to meet the Queen?.."

"YEESSS!!"

"The King?"

"YEESSS!!"

"And yeah, hindi pa natin mamemeet ang Royal Prince and Princess for some purposes..."

"Awwwwwww.." nadidismayang ugong ng mga estudyante,

"But do'nt worry, dahil darating din tayo d'yan... For now iwewelcome muna natin ang greatest King at ang Royal King and Queen, are you ready?" tanong ni Master sa lahat, nagsisigawan naman silang lahat.

"So now... Help me welcome and give around of applause for the owner of Roosevelt International School, the Greatest King!" naghiyawan na ang lahat kasabay ng pagpasok ng mga matitipunong guwardya, pumorma ito sa dalawang hanay ng magkahara, at tsaka pumasok ang isang matipuno ring matanda, matangkad at may itsura, mahaba ang bigote ngunit hindi mawawala ang angas sa paglalakad.

Ang astig... Parang batang-bata parin...

Naglakad s'ya papunta sa stage, tinangoan s'ya ng lahat ng naroroon, ngumiti naman s'ya at tsaka naupo sa malaking upoan sa gitna ng dalawang upoan.

"And now, let's welcome, the Royal Queen and King!" dagdag ni Master, mas namangha pa ang lahat ng pumasok naman ang napakagandang babae kasama ang napakagwapo at matipuno ring lalaki. Nakapulopot ang braso ng Reyna sa braso ng Hari. Pinasadahan ko ng tingin nila.

Kung hindi lang imposible ay inisip kong magulang to ni Cassy... May hawig sa kan'ya ang Reyna at sa tindig naman n'ya ay parang tindig ng Hari..

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon