CHAPTER 47

535 25 9
                                    

SCYLE'S POV.

Naputol ang ikalimang araw namin sa resort, kinailangan naming dumiretso sa ospital. Hanggang ngayon ay blanko ako sa nangyari kay Cassy. Halos hindi ako makagalaw sa takot, naninikip ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Doc? Kamusta s'ya?" tanong ni kuya Arnel ng lumabas ang doctor,

"Uhm, I'm sorry." halos napatindig ang lahat sa naisagot ng doctor.

Sorry? Mali ang insiip ko haha oo mali, mali hindi pwede.

"Sorry? Ha? A-Anong sorry?" hindi ko na mapigilan ang sarili kong magtaka at magalala.

"I'm sorry but, she's in comatose, sa pagkakataong ito ay mas delikado na ang kalagayan n'ya, I need to go, babalik nalang ako mamaya, sorry again."

"Doc teka, wait." hindi na kami pinansin ng doctor at agad na lumayo.

Halos mapaupo ako sobrang panlulumo! Hindi ko alam kung paano sasagot, kung paano magsasalita, kung papaano ipapasok sa isip ko ang lahat ng sinabi ng doctor. Nagugulohan ako, paano?

Akala ko ba ok na s'ya? Bakit? Hindi ko maintindihan?

"Where is she?? Where's my daughter??" nagaalalang tanong ng reyna, hindi ko na sila kayang harapin nablanko ako, hindi ko na alam ang gagawin, hindi ko alam kung papaano iisipin ang lahat, magulo, sobrang gulo.

"Nasa loob ho tita." umiiyak na tugon ni Athena, nasapo ko ang ulo, gusto kong isipin na bangungot lang ang lahat.

Gaano ka malas na birthday 'to para sa akin??

Ilang oras kaming naghintay bago kami nakapasok sa loob ng ICU, nandito na naman akong hindi matigil sa pag-iyak. Hawak ko ang kamay n'ya, mas lalo pang bumuhos ang luha ko ng makita ko ang mga makina na tanging bumubuhay nalang sa kan'ya.

"Doc? Gaano ba kalala ang kalagayan n'ya?" tanong ng Hari, nanatiling nakay Cashannea ang paningin ko,

"She's still unstable, isang malaking himala nalang kung magigising pa s'ya, maliban sa pagkakacomatos n'ya ay dumagdag pa ang sakit n'ya." hindi ko na nagawang pakinggan ang lahat ng pinagusapan nila dahil ang tanging laman ng isip ko ay si Cashannea lang, wala ng iba.

*Toooooooooooooooooooooot*

"No! Hindi! Cassy!"

"Baby hey! No please!"

"Our princess! Please no!"

"Bunsoy! Hindi pwede lumaban ka!!"

Hindi ko alam kung anong paguga ang gagawin ko, tumigil na sa pagtibok ang puso n'ya! Hindi na ako mapakali na kahit ang kamay n'ya ay hindi ko na alam kung papaano hahawakan! Lahat kami ay nagsusumamo at nagkukumahog kung papaano ibabalik ang buhay n'ya!

"Hahahaha! Ayan ang dapat sa inyo." gulat kaming napatingin sa pinto ng biglang pumasoj si..

Lithor!!

"Hayop ka!!" sigaw ni kuya Arnel! Hindi pa man s'ya nakakalapit ay tinutukan na s'ya ng baril ni Lithor!

"Isang hakbang pa Arnel, sasabog ang utak mo sa loob ng kwartong 'to!" banta n'ya, hindi ko napigilan ang galit at agad na tumayo! Pinagaalab ako ng nararamdaman ko! Hindi ko makontrol ang ginagawa ko! "Oh bata? Gusto mo narin bang sumunod sa girlfriend mo?" tanong n'ya, hindi ako nagpatinag at lumapit, agad naman n'yang kinalabit ang baril at,

*BANG!!!!*

----

"Ha! Hoo hoo ha!" paghahabol ko ng hininga sa sobrang pagka gulat! Ngunit gano'n nalang ang pagtataka ko sa paligid!

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon