CHAPTER 19

935 42 0
                                    

SCYLE'S POV.

Alam kong nagulat sila sa iniasal ko kanina, ngunit hindi ko mawala sa sarili ang galit dahil sa kayabangan ni Cassy. Inis at takot ang naramdaman ko kanina ng diretso s'yang lumubog sa tubig. Hindi ko pa s'ya agad nasisid dahil tinanggal ko pa ang life vest ko, ang mga kasama namin ay nagsisilangoy na noon, sinigawan ko sila ng matanggal ang life vest ko at tsaka ako sumisid para kuhain si Cassy.

Ikakamatay mo 'yang katigasan ng ulo mo Cashannea!

Nagpunta ako sa harapan ng yate, walang tao roon kaya naupo ako sa lamesa na may dalawang upoan, tinanaw ko ang kawalan habang malalim ang iniisip.

Ano nalang mangyayari kapag hindi ko kaagad natanggala ng vest ko!?

Napapikot ako sa naisip, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang pag-aalala ko, hindi ko maitanggi ang takot na naramdaman ko kanina, ngayon ay hindi ko pa maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko pa alam, hindi ko malaman.

Sandali pa akong napatungo at napapikit, nasa dibdib ko parin ang kaba na naramdaman ko kanina.

"Scyle..." biglang usal ng isang pamilyar na babae, ng iangat ko ang tingin ko ay nagtama ang paningin namin ni Cassy, naglalakad s'ya papalapit sa akin, kunot-noo ko naman s'yang tiningnan,

"Oh? Bakit hindi ka lumangoy don? Marunong ka diba?" sarkastikong tanong ko, nangunot naman ang noo n'ya ngunit agad n'ya ring inalis,

"P-Pasensya na... akala ko talaga kase ay makakaya ko--"

"Hindi lahat ng bagay ay makakaya mo Cashannea! May mga kahinaan ka rin! Kagaya nung kanina..." inis na sambit ko habang itinuturo ko pa ang pinanggalingan namin kanina, "Paano kung hindi ko kaagad natanggala ang vest ko!? Anong na kayang nangyari sayo?? Magisip ka nga!" hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko, kung pupwede ko lang martilyohin ang ulo n'ya ginawa ko na.

"Teka nga... Bakit ba nagkakaganyan ka?" inis na tanong n'ya, nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong n'ya, hindi pa ba halata ang iniaasta ko?

"Dahil nagaalala ako!" impit na sigaw ko sa kan'ya, napamaang naman s'ya sa sagot ko at oarang hindi makapaniwalang napanganga,

"Gan'yan na ba magalala ngayon??" inis ring tanong n'ya, "Bakit ba nagagalit ka?? Ano bang problema mo??--"

"Dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari Cashannea! Naiintindihan mo?? Oo O.A ako kung umasta pero delikado 'yon! Pano kung may nangyari sayo sa ilalim?? Ha?? Kargo ko pa!?" inis na tugon ko sa kan'ya, di naman s'ya makapaniwalang napasinghal,

"Kargo ko! Dahil ako ang may kasalanan no'n!" inis ring sigaw n'ya, napamaang naman ako at napatayo,

"Oh eh bakit nagagalit ka??" inis na talagang tanong ko,

"Dahil nagagalit ka Scyle! At hindi ko maintindihan 'yon!" mas inis na aniya, napahawak naman ako sa sariling ulo at napatalikod tsaka humarap sa kan'ya,

"Dahil nga nagalala ako! Natakot ako sa pwedeng mangyari! Dahil napakatigas ng ulo mo!"

"Eh ano ba kita??" natigilan ako ng diretso n'yang itanong 'yon, napabagsak ang mga kamay ko at tsaka hindi makapaniwalang napasinghal,

Hindi ko maintindihan ang kirot na naramdaman ko ng itanong n'ya 'yon, hindi ko rin naman maintindihan ang galit ko, hindi ko alam ang pinagmulan no'n sa nararamdaman ko.

Ano nga bang nararamdaman ko!!??

"Yeah, oo nga naman, ano mo nga ba pala ako haha, I'm so sorry haha nakakatawa, yeah." kunwaring natatawang tugon ko,  ngunit sa loob-loob ko ay sobra na akong nasasaktan at nagagalit sa sarili ko, at pati narin sa kan'ya. Hindi ko maintindihan, hindi ko alam at nalilito ako.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon