CHAPTER 58

449 25 2
                                    

CASHANNEA'S POV.

Habang nakikinig ako sa S.T ay hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Brandel kanina na dahilan kung bakit nalate ako. Hindi ako mapakali sa nalaman ko, para bang bumagsak ang mundo ko. Halos buong oras na lutang ang utak ko.

=FLASHBACK=
______________________________

Nagsitayuan na ang lahat para bumalik sa room. Ang iba ay nagmadali na sa paglalakad dahil talagang terror ang susunod na subject teacher. Maglalakad na sana ako papunta kina Scyle ng biglang hawakan ni Brandel ang braso ko, nilingon ko s'ya,

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya, tiningnan ko ang gawi ng mga kasama ko, naglalakad na sila palayo kaya pumayag na akong makipagusap kay Brandel,

"Anong paguusapan natin?" tanong ko, humugot s'ya ng hininga, bumagal kami sa paglalakad,

"Tungkol sa kasal."

"Ano na? Hindi na ba matutuloy? Ayos na?" sunod-sunod na tanong ko, lumungkot ang mukha n'ya, may kung anong boltahe ng kaba ang dumaloy sa katawan ko,

"Matutuloy Max, desidido silang ituloy." tugon n'ya, bumagsak ang balikat ko kasabay ng pagbagsak ng mundo ko, para akong inilublob sa nagyeyelong tubig.

"Hindi pwede, hindi ako papayag." tugon ko, gusto kong umiyak dahil alam kong kapag ang hari ang nagbitaw ng salita ay paninindigan n'ya 'yon.

Handa kong iwan ang pamilya ko para sayo Scyle, handa kong talikuran ang pagiging prinsesa ko...

"Ano naman ang magagawa mo? Hari na mismo ang nagsabi." Aniya, humugot ako ng malalim na hininga,

"Gusto mo ba talaga akong pakasalan?" natigilan s'ya sa tanong ko, diretso s'yang tumingin sakin,

"Oo naman, sino ba namang lalaki ang ayaw kang pakasalan."

"Pero ayaw kong ikasal sayo, ibang lalaki ang gusto ko, at hindi ikaw ang lalaking 'yon Brandel." ayaw kong makasakit ngunit mukhang iyon ang nagawa ko, lumungkot ang mukha n'ya.

"Masaya ka ba sa kan'ya?" mahina ngunit seryosong tanong n'ya,

"Sobra."

"Kung gano'n ay huwag mo ng ihinto ang kasal." nagulat ako sa tugon n'ya, hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya at mas lalong gumulo ang isip ko,

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Kailangan kong mahinto ang kasal!" inis na bulyaw ko, diretso s'yang tumitig sakin.

"Maiintindihan mo rin balang araw Max, huwag ka ng gumawa ng kahit anong hakbang para maihinto ang kasal." aniya, natigilan naman akong pinanood s'yang lumayo sa akin, hindi ko maintindihan ang gusto n'yang sabihin, ang nasa isip ko lang ngayon ay hindi pwedeng matuloy ang kasal.

_____________________________

=END OF FLASHBACK=

Natapos na ang iba pang S.T, nanatili parin akong nakatulala. Lahat ay nagsitayuan na ngunit para akong nawalan ng lakas, hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa sobrang pagiisip ko, gusto ko nalang maupo buong araw at isipin kung papaano ko maaayos lahat.

"Bessywap? Hindi ka pa ba kakain?" naiangat ko ang paningin ko ng mapansin kong nakatayo sa harapan ko si Athena,

"Wala akong gana, busog rin ako." wala sa sariling tugon ko, pparang gusto kong mawala ng ilang oras at pagbalik ko ay ayos na ang lahat.

Ano bang dapat kong gawin?

"Seryoso ka ba? Eh ang konti lang din ng kinain mo kaninang umaga eh, may problema ba bessywap?" umupo s'ya sa harap ko, nilingon ko ang paligid, naghihintay sa labas ng room ang mga kasama namin kaya tiningnan ko ng diretso si Athena.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon