CHAPTER 50

510 20 3
                                    


LITHOR'S POV.

Nakaupo ako sa sofa ng sala habang hinihintay ang mga bata ko. Ipinadala ko sila sa Condo-Hotel nila Cashannea para magmanman. Sinaday kong magpahalata dahil ako naman ang magbibigay ng babala.

"Boss." dumadaing na tawag ng isa sa mga bata ko habang papasok sa pinto, halos lahat sila ay bugbog ang katawan at nanghihinang napaupo sa sofa.

"Lintik! Anong katangahan 'yan!?" sigaw ko sa kanila, halos hindi na sila maka kilos sa dami ng bugbog nila, pinagtulongan nila ang mga bata ko.

"Hindi namin alam na gano'n s'ya kabagsik boss."

S'ya?  Ibig sabihin ay isang tao lang ang gumawa nito?

"Si Arnel?" tanong ko na pilit pinapakalma ang sarili,

"Iyong b-babae boss, yung b-bunso nila." sinasabi ko na nga ba't hindi makakaligtas ang mga taohan ko sa babaeng 'yon!

Kailangan ko ng tapusin ang laban!

"Frederick!" sigaw ko, agad namang lumabas si Fred na halos hindi parin gumagaling ang napurohan n'yang braso na kagagawan rin ni Cashannea.

"Santisima! Pinasugod mo ang mga taong 'to ng hindi man lang inisip kung gaano na kalakas ang pwersa nila!?" inis na tanong rin sa akin ni Fred, pinagtiiman ko s'yang bagang at agad na dinakma ang kwelyo!

"Huwag mong kinukwestyon ang mga plano ko Fred!"

"Ahh mga plano? Mga plano mong puro katangahan!"

*PAAKKK!!*

Hindi ko napigilang manggigil at masapak s'ya!

"Napaka tanga mo Lithor! Akala ko ay namana mo ang talino at bagsik ni Dad!" sigaw n'ya, labis pa akong nainis, dati palang ay kaagaw ko na ang kapatid kong si Frederick sa pagpasa ni Daddy sa gang n'ya, ngunit ako ang napili noon.

"At ikaw!? Namana mo!?" inis na tanong ko,

"Kung ako ang nagplano ng lahat ay hindi nabugbog ang mga 'yan!" sigaw n'ya, hindi ko na piniling sumagot at umupo nalang sa sofa, sinimsim ko ang alak na nasa basong hawak ko!

Humanda kayo sa akin, umpisa palang 'to...

"Ang Dark Gang? Natapos mo ba ang pinagagawa ni Dad?" tanong ko sa kan'ya.

"Oo, malinis." may tunog ng pagmamalaki na aniya, sininghalan ko lang s'ya at tsaka nilagok ang alak.

"Kailangan naming ipahinga ang katawan namin, masyado akong humahanga sa babaeng 'yon."

"Akala mo ay kalmado, pero kakaiba."

"Hindi ko lubos maisip na may ganoong babae."

Dinig ko ang usapan ng mga taohan ko, maging ako ay humahanga kay Cashannea. Kakaiba s'ya at alam kong may kakaiba pa sa kan'ya. Hindi ko rin alam na ganoon sila kayaman. Ang mga magulang n'ya ay iginagalang ng lahat kaya batid kong may nakatagong sikreto sa kanila. Hindi sila normal lang na pamilya at iyon ang aalamin ko.

CASSY'S POV.

Nasa parking lot kami kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ferrari ko. Halos yakapin ko na iyon sa sobrang pananabik.

"Tara na." anyaya ni Roxanne, nagsisunod naman kami, si Scyle ay hawak ang kamay ko at masayang naglalakad. Ang villeheart ay naiwan sa condominium para bantayan ang mga magulang namin.

Nariyan na naman ang mga tinginan ng mga estudyanteng nadadaanan namin, ang iba ay nagbubulongan habang nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Drake maging ng mga kasama ko.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon