[Characters]

909 11 0
                                    

Gabriel Joshua "Josh" Samaniego (Joseph Marco)

-Nag-iisa na sa buhay si Josh, hindi dahil patay na ang magulang niya kung hindi dahil mas pinili niyang maging independent at humiwalay ng tirahan mula sa kanyang magulang at kaisa-isang kapatid. Nagkaroon ng malaking lamat ang relasyon niya sa kanyang ama kaya nagdesisyong humiwalay na ng tirahan upang hindi na rin mag-alala pa ang kanyang ina at kapatid. 

'Nang maka-graduate siya ng College sa kursong "Business Management" hindi siya nagdalawang isip na magsarili at magtayo ng sariling negosyo. Pinili niyang magtayo ng sariling hotel, at ngayon kilala na ito sa Southeast Asia. 

Successful man sa negosyo ay nananatili pa rin siyang mag-isa at malungkot ang buhay pag-ibig. Minsan na siyang nahulog sa isang babae ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil hindi sumang-ayon sa kanila ang tadhana. 

Kahit minalas sa buhay pag-ibig at sa pamilya, sinwerte naman siya sa mga kaibigan. Ngunit isa rin sa mga malalapit niyang kaibigan ang nawala sa kanya, at sa pagkawala nito ay na-realize ni Josh ang halaga nito sa buhay niya. Maibalik pa nga kaya ni Josh ang dati niyang samahan sa kaibigang nawala? 

Rhianne Sabina Gonzalgo (Ritz Azul)

-Mag-aanim na taon na rin mula 'nung tumira at nanatili si Rhianne sa America kasama ang kanyang pamilya. Ni-hindi nga niya natapos ang unang taon sa kolehiyo dahil sa magandang oportunidad na naghihintay sa pamilya nila sa America. Bago siya umalis, labis na nasaktan ang puso niya dahil sa isa sa mga malalapit niyang kaibigan na lihim pala niyang minamahal. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasira din ang kanilang pagkakaibigan dahil sa nangyari, at sa kanyang pag-alis ay hindi na muli pang naibalik ang kanilang dating pagkakaibigan. 

Nakatakda na sanang bumalik ng Pilipinas ang pamilya ni Rhianne, ngunit mas mapapaaga ang kanyang pag-uwi dahil sa nalalapit na kasal ng kanyang best friend at binigyan din siya ng magandang posisyon ng isa sa mga kaibigan niya na kaparehas niya ng career - ang pagiging isang manunulat. 

Handa na nga ba si Rhianne na harapin ang mga naiwan niya sa Pilipinas noon? 

JOSH & RHIANNE's FRIENDS

Grace Domingo (portrayed by Maxine Medina)

Adrian Joshua Cruz (portrayed by Jake Cuenca)

Dennise Cassandra Concepcion (portrayed by Coleen Garcia)

Hannah Garcia (portrayed by Elisse Joson)

James Reyes (portrayed by McCoy de Leon) 

Carl Isaiah Santos (portrayed by Fifth Solomon) 

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now