[22] - Saved by Someone else

179 6 5
                                    

RHIANNE's POV


Nag-aayos kami ni Dennise ng mga dadalhin namin sa hotel mamaya at sa kasal ni Grace ni Adrian dahil mamaya na kami magstay sa hotel at dahil bukas na rin ang kasal ng dalawa, 'nang bigla'ng magsalita si Dennise.


"Rhianne, sorry ah." seryoso niya'ng sabi habang naka-indian sit sa harapan ng maleta'ng dadalhin namin dahil share na lang kami para isa'ng bitbitan na lang.


Umiling ako at hinawakan siya sa balikat niya, "Hindi mo kailangan humingi ng sorry Denshi. Naiintindihan ko kung bakit mo tinago 'yun sa'kin, inisip mo lang 'yung makakabuti." inalis ko 'yung pagkakahawak ko sa kanya at huminga ng malalim, "Thank you ulit ha."


"I just did what I should've done a long time ago," sagot niya sa'kin at ngumiti.


Sinabi ko na sa kanila'ng lahat ang tungkol sa pakikipagkita ko kay Josh mamaya'ng hapon, speaking of Josh, hindi niya ako nireplyan sa message ko sa kanya pero magbabaka-sakali pa rin ako. Knowing him, alam ko'ng hindi niya ako matitiis, 'yun ay kung gano'n pa rin ang tingin niya sa'kin.


Hindi na tumutol sila Ate Nikki at Kuya Ethan sa kagustuhan ko'ng makipagkita kay Josh, sinabi nila na baka 'yun din ang kailangan ko.


"Handa ka na ba sa lahat ng itatanong mo kay Josh mamaya?" tanong ni Dennise sa'kin.


I'm not really sure what question I'm gonna ask him first.


Alam mo 'yung feeling na sa sobra'ng dami mo'ng tanong ni-hindi mo na alam kung ano 'yung uunahin mo'ng itanong.


"I just wish that he'll show up later." at napabuntong hininga ako.


Tumayo si Dennise at naupo dun sa arm ng upuan na inuupuan ko, "Knowing Josh, ikaw 'yung tao'ng hindi niya kaya'ng tiisin. Kaya sigurado ako'ng sisiputin ka niya mamaya." inakbayan ako ni Dennise at muli'ng nagsalita, "Don't worry, okay? He'll show up later."


Maaga'ng umalis si Ate Nikki at Kuya Ethan dahil maaga rin ang flight nila papunta'ng Palawan, pero bago sila umalis kanina'ng madali'ng araw, sinabi nila na susuportahan nila ang kagustuhan ko'ng makausap si Josh.


"Kung gusto mo susunduin na lang kita mamaya dun sa pagkikitaan niyo ni Josh." sabi ni Dennise sa'kin.


Umiling ako, "Sigurado ako'ng magiging emotional si Grace at ang pamilya niya mamaya'ng gabi, kakailanganin niya kayo ni Hannah do'n, and I promise to be there as soon as possible." sabi ko kay Dennise.


"But if you need us there too, just let me know." sabi ni Dennise.


Sinagot ko na lang siya ng tango.


Pagkatapos naming maayos ni Dennise ang maleta namin, umalis muna siya sandali dahil may bibilhin lang daw siya sandali sa supermarket.


Nagstay muna 'ko sa kwarto ko at tinapos ang ilang script na kakailanganin sa Week 7 ng TV show na gagawin namin nila Dennise at Angelo.

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now