[42] - Love, Pain, and Ever After

96 1 0
                                    

RHIANNE's POV


After I heard from Grace that Angelo disappeared out of nowhere, agad ako'ng napasugod sa bahay nila, but when I got there wala'ng tao. Maski mga kasambahay nila wala dito at 'yung usual na mga tauhan ng pamilya nila wala rin dito. 


Ano ba talaga'ng nangyayari? 


"Beks!" 


Napalingon agad ako sa boses na narinig ko and that's when I saw Grace running towards me. 


"Grace!" nagpapanic na ako dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, "Ano ba talaga'ng nangyayari? Totoo ba'ng nawawala si Angelo!?" 


"Oo! Si Adrian kasi 'yung kausap ni Angelo tapos bigla siya'ng nawala sa linya, inisip ni Adrian na baka may nangyari'ng masama sa kanya kaya pumunta na kami dito, kaya tinawagan na rin kita kaagad." paliwanag sa'kin ni Grace. 


I shook my head in disbelief, "Hindi 'to pwede'ng mangyari. Nakausap niyo na ba 'yung mga pulis?" tanong ko sa kanya. 


Tumango si Grace, "Nando'n sila sa may garden, kasama sila James." 


"Sila James?" gulat ko'ng tanong. 


"Tinawagan na rin namin ang buo'ng barkada dahil hindi na namin alam ni Adrian ang gagawin." hindi ko na namalayan na hinatak na pala ako ni Grace papunta'ng garden. "Halika na." she said while we're running towards the garden. 


Ako ang nauuna'ng tumakbo papunta'ng garden kaya hindi ko namalayan na wala na sa likuran ko si Grace. 


"Beks?" palinga-linga ako sa paligid ko pero nawala na lang bigla si Grace. 


Shoot. I'm all alone.


Ano ba 'to? Nasa'n ba sila? Akala ko ba magkakasama na sila dito sa garden e ba't parang nag-iisa naman ako dito. At nasa'n 'yung magaling ko'ng best friend? Sa'n siya nagsusuot?


"Grace!" tawag ko sa pangalan niya pero no luck, wala'ng Grace na lumabas. 


Palinga-linga ako hanggang sa mapako 'yung tingin ko sa isa'ng bagay na nakalapag sa damuhan. 'Nang lapitan ko 'yun ay nakita ko ang isa'ng pula'ng rosas na may ribbon na nakapalibot sa tangkay 'nun. Ako naman 'to'ng si mausisa pinulot 'yung rosas at tiningnan kung ano 'yung nakalagay sa ribbon. 


Your life is about to change.


"Mula 'nung nakilala kita pakiramdam ko ang laki ng pinagbago ng buhay ko." 


Agad ako'ng napalingon dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. 


"Angelo?"

He smiled at me as he walks towards me. 

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now