[12] - A True Friendship Comes With Tears

159 5 0
                                    

RHIANNE's POV


Bago tuluyang matapos ang unang Friday night na nakasama ko ang barkada, lumapit sa'kin si Josh at humingi ng sorry kung nasungitan man niya ako. To be honest, nagulat ako na ganon siya kasungit, pero pinaliwanag naman niya sa'kin na marami siyang inaasikaso at iniisip sa trabaho niya at naiintindihan ko naman 'yun. 


Natapos ang gabing 'yun sa isang matinding iyakan at dramahan. Hindi dahil sa pagsusungit ni Josh kung hindi dahil sa nalalapit na kasal ni Grace at Adrian, at para na rin sa mga nagdaang panahon na magkakasama kami. 


Yes, we became nostalgic about the years that had passed. 


Parang kailan lang, magkakasama kami sa iisang classroom at nag-aasaran. Naghihintay ng bell ng recess para makakain na kami at makapagkwentuhan sa canteen. Babalik sa classroom at maghihintay naman ng lunch time at uwian. O diba? Para sa iba napakaboring ng daily routine na 'yun, pero para sa'min sobrang saya dahil magkakasama kami sa saya, lungkot, tampuhan man o sa mga asaran. 


Ganon naman talaga ang pagkakaibigan – sinusubok ng panahon at ng mga pagsubok, dahil ang tunay na pagkakaibigan ay mananatiling buo kahit na ilang bagyo pa ang dumaan. 


Halos alas-tres na ng madaling araw 'nang makauwi kami ni Dennise, pagdating namin sa bahya ay deretso pahinga na kami sa kwarto ko dahil maaga pa kami bukas para dalawin ang puntod ng isa naming kaibigan, na dapat ay kasama rin namin sa barkada. 


Kinaumagahan, ginising kami ng isang tawag mula sa cell phone ni Dennise. 


At dahil pupungas-pungas pa siya at deretso niya na itong sinagot 'nang hindi tinitingnan kung sino ang caller, "Hello?" rinig kong sagot ni Dennise dun sa cell phone niya, "O Angelo napatawag ka." 


Ang aga naman tumawag 'nun, tsaka Sabado ngayon, walang trabaho. 


"Ngayon?" tanong ni Dennise, "O sige, text kita mamaya kung ano ang plano." at binaba na ni Dennise ang phone niya sa bed-side table ng kama ko. 


Nagulat naman ako 'nang bigla akong hampasin ng unan ni Dennise, "Denshi ang aga-aga pa, mamaya na tayo pumuntang sementeryo." sabi ko at sinubukan ko ulit pumikit dahil antok na antok pa talaga ako.


"Tumawag si Angelo." sabi niya.


"Narinig ko nga." sagot ko naman sa kanya.


"Nagyaya siya kumain mamaya, e sabi ko baka hindi tayo pwede ng lunch time." sabi sa'kin ni Dennise. 


Napakunot naman ako ng noo 'nang humarap ako kay Dennise, "Sabado ngayon diba? So ibig sabihin walang trabaho. Bakit bigla naman yatang nagyaya maglunch 'yang direktor natin?" tanong ko kay Dennise. 


"Gusto niyang pag-usapan ang ilang detalye para sa series natin. Ano game?" tanong sa'kin ni Dennise, "Pwede kong gawing meryenda or dinner 'yung plano." 


"Hindi pwede ng dinner, may dinner ako kasama si Tita Baby." sabi ko naman, "Tsaka baka pwedeng sa Monday na lang kasi ang dami nating errands today after natin manggaling sa sementeryo." 

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon