[32] - Friendships at Stake

99 2 0
                                    

RHIANNE's POV


One week na mula 'nung nangyari ang biglaang pagku-krus ng landas naming dalawa ni Josh. Mula noon hindi na rin namin pinag-usapan pa ni Angelo ang nangyari, pero sinabi ko sa kanya na kung gusto niya'ng makipagkaibigan at patuloy na makipagkita kay Josh, wala'ng problema sa'kin, as long as hindi na nila gagawin 'yung ginawa nila last time.


Nalaman nila Dennise at Grace ang tungkol sa nangyari at tinanong nila ako kung okay lang ba ako after naming magkita ni Josh, syempre sinabi ko sa kanila 'yung lahat ng nangyari.


At kahit isa'ng linggo ko 'nang nasabi sa kanila ininsist nila na magkita-kita kami ngayong araw sa bahay nila Grace at Adrian para magcatch-up at magbonding na rin dahil matagal-tagal na rin naming hindi nagagawa 'to.


"At least Angelo explained to you why he did that." sabi ni Dennise 'nang muli naming mapagkwentuhan ang nangyari.


I nodded as a sign of agreement, "Siguro nafu-frustrate din si Angelo sa mga nangyari kaya inisip niya na okay na sa'kin na magkita kami ulit ni Josh." sambit ko.


"Gano'n pa man, hind pa rin ako mapaniwala na nagawa nila'ng dalawa ni Adrian na padalhan ng invitation 'yung lalaki'ng 'yun." nasabi na rin pala sa kanya ni Adrian ang tungkol dun. Syempre uminit ang ulo nito'ng si Grace pero at the end nagkaayos din sila'ng mag-asawa, "Buti na lang at napag-usapan naming mag-asawa ng maayos at hindi kami nagkaaway ng matagal."


"Pero tingin niyo ba masyado tayo'ng nagiging harsh sa kanya?" tanong ni Dennise.


Napatingin kami'ng dalawa ni Grace sa kanya dahil parehas kami'ng naguluhan sa naging tanong ni Dennise.


"I mean, baka naman may dahilan talaga siya kaya kinailangan niya'ng umalis at iwanan ang barkada." sabi ni Dennise.


Hindi naman nakakagulat na sinabi ni Dennise 'yun, may tendency na talaga'ng magpapalit-palit ng desisyon si Dennise for some reasons. Siguro naawa din siya kahit papaano kay Josh sa mga nangyayari, kahit ako naman minsan nakakaramdam ng gano'n pero mas nangingibabaw ang disappointment at galit.


"Denshi, 'di ba niyanaisip na maiintindihan ng barkada 'yung dahilan niya?" tanong ni Grace kay Dennise, "Sige, sabihin na nating may dahilan nga siya. Inisip niya kaagad na hindi natin siya maiintindihan, gano'n 'yun diba? E di parang hindi naman niya tayo pinagkakatiwalaan 'nun."


Sa'ming lahat at bukod sa'kin, si Grace ang pinaka-nasaktan at pinaka-nadisappoint sa ginawa ni Josh. Sobra'ng close din kasi nila'ng dalawa.


"Should we ask him first kung ano ang dahilan niya?" tanong naman ni Dennise.


Grace immediately shook her head, "I'm not gonna do that." tanggi'ng tanggi agad si Grace sa gusto'ng mangyari ni Dennise, "E di para ko na rin binigyan ng isa pa'ng sakit sa ulo ang sarili ko."


"Grace, ikaw na rin mismo ang nagsabi na magkakaibigan tayo, na kung ano man 'yung dahilan niya maiintindihan natin siya." syempre hindi magpapatalo si Dennise. Dedepensahan at dedepensahan niya ang side niya at ang opinyon niya.

I Fall All Over AgainNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ