[40] - Fix What's Broken

114 1 0
                                    

RHIANNE's POV


The rest of us agreed to stay here in Antipolo for the night, wala na rin ni-isa sa'min ang gusto'ng bumyahe pauwi. Syempre si Grace at Adrian sinama si Rafa kahit na alam nila'ng hindi rin advisable gawin 'yun, pero magulang sila e at natural lang sa kanila na ayaw mahiwalay sa anak nila.


Marami'ng pulis ang naiwan dito sa Antipolo kasama namin, masyado'ng high risk kung wala'ng maiiwan dahil baka mamaya alam na ni Tish kung nasa'n kami'ng lahat at kung ano pa'ng mangyari.


To be honest, nakakabaliw 'yung sitwasyon na kinalalagyan namin ngayon. Ano mang oras pwede'ng matapos ang buhay ko o ng mga tao'ng nasa paligid ko pero 'yun ang hindi ko hahayaang mangyari dahil wala naman sila'ng kinalaman sa galit na nararamdaman sa'kin ni Tish. Sinabi naman ng mga pulis na tuloy pa rin ang buhay naming magkakaibigan, maliban lang sa'kin na pinagleave muna sa trabaho. Sana nga matapos na 'to dahil alam ko'ng kahit subukan naming mabuhay ng normal, alam ko'ng hindi 'yun gano'n kadali.


Pagkaalis ni Chief Dela Questa, lumipat kami sa sala at doon muna tumambay, maliban kay Grace na pinatulog muna si Rafa sa isa sa mga kwarto dito sa resthouse nila Josh. Habang nakatambay kami'ng lahat sa sala, bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.


"Iba'ng klase talaga 'yang ex-girlfriend mo Josh." it was Adrian who broke the silence between us kaya napatingin kami'ng lahat sa kanya, "Lahat gagawin niya para lang sa'yo. That's very unconditional love but at the same time a selfish one."


Hannah agreed, "Wala siya'ng pakialam kung makakasakit siya ng iba'ng tao. Basta mahal ka niya." at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ni James na nakaakbay naman sa kanya, "Sana lang maisip niya na hindi ka naman niya makukuha sa gano'n."


"I just hope matauhan siya bago pa siya masaktan at makasakit ng iba'ng tao." Josh commented.


"Ano'ng oras pala tayo uwi bukas?" tanong ni Dennise.


Speaking of Dennise, may isa pa nga pala kami'ng kailangang lutasin at 'yun ay ang bawal niya'ng relasyon sa isa'ng lakaki'ng may asawa't mga anak na.


Hay Lord, ang dami naman.


"Kami ni Grace kailangan namin umuwi ng maaga dahil wala naman kami'ng sapat na gamit para kay Rafa." sagot ni Adrian. Tinuro niya si James at Hannah, "Kayo'ng dalawa?" tanong niya sa mga ito.


James and Hannah exchanges glances.


"Sabay na lang kami pag-alis nila Angelo at Rhianne." simple'ng sagot ni James.


"O e di sabay-sabay na tayo'ng lumuwas pa-Maynila bukas." sabi ni Angelo. "Ikaw, Dennise? Pwede ka'ng sumabay sa'min ni Rhianne."


Ewan ko pero parang automatic na napatingin ako kay Angelo sa sinabi niya.


Was it because of Dennise's secret relationship with a married man? I mean, she doesn't disgusts me or what, pero parang naisip ko bigla na hindi ko pa pala gano'n kakilala ang kaibigan ko'ng si Dennise and that hurts me a lot.

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now