[34] - Thank You

99 1 0
                                    

THIRD PERSON's POV


It has been six hours since Josh came back from the process of giving blood to Rhianne, and Rhianne is still inside the operating room and no one knows what's happening.


"Sana maging okay na si Rhianne." sabi ni Grace habang nakaakbay sa kanya ang asawa'ng si Adrian na nag-aalala na rin sa best friend ng asawa.


"She'll be fine." sabi ni Adrian para palakasin ang loob ni Grace.


Samantala'ng si Angelo na katabi ang magulang ni Rhianne, sandali'ng nagpaalam para lapitan at tabihan si Josh na nanghihina pa rin dahil sa dugo'ng nawala sa kanya, "Josh, kailangan mo 'to." sabi ni Angelo at inabutan niya ng tubig si Josh.


"Salamat." tinanggap naman ni Josh ang tubig at tinabihan siya ni Angelo.


"Gusto ko'ng pasalamatan ka sa ginawa mo para sa kanya." sabi ni Angelo kay Josh na labis ikinagulat ng binata, "Sa kabila ng mga nangyari hindi pa rin nawawala ang concern mo sa kanya. Tinuturing mo pa rin siya'ng kaibigan."


Josh sighed as he rests his back on the chair he's sitting, "It's my pleasure to help her."


Alam ni Josh sa sarili niya na kahit pa siya ang magiging dahilan ng pagkakasagip ng buhay ni Rhianne ay hindi 'yun mangangahulugan na patatawarin na siya ng mga kaibigan niya at muli'ng tatanggapin. Isa pa, ginawa niya 'yun para iligtas si Rhianne at hindi para maghugas kamay.


Napatingin si Josh sa cell phone ni Angelo 'nang bigla ito'ng umilaw, tumambad sa harapan niya ang wallpaper ng binata na picture nito at ni Rhianne.


"You must really love her." out of nowhere nasabi 'yun ni Josh.


Napatingin sa kanya si Angelo.


Napaisip sandali si Angelo kung bakit nga ba nasabi 'yun ni Josh, but he soon realized that Josh saw his wallpaper which is unintentional.


"I do." sagot ni Angelo at binalik niya ang tingin niya sa pintuan ng operating room na kanina pa nila hi ihi tay bumukas, "There's nothing and no one in this world can ever change the way I love her."


Josh found himself smiling. He thought to himself that finally Rhianne found the guy who will love her unconditionally and will love her for the rest of her life. 'Yun lang naman ang tanging hinangad ni Josh para kay Rhianne, ang maging masaya at makatagpo ng lalaki'ng gagawin ang lahat para sa kanya, at ngayong nakita na ni Rhianne 'yun isa siya sa pinakamasaya para sa kanya.


"Angelo." napatingin si Angelo at Josh 'nang lapitan sila ni Dennise at Hannah, "Kung gusto mo'ng kumain muna, may pagkain sa canteen pwede ka naming ibili para naman makakain ka." sabi ni Dennise kay Angelo.


Angelo shook his head, "I'm not hungry. Sila Tito at Tita na lang ang tanungin niyo, they need to eat." sabi ni Angelo.


Bago umalis si Hannah at Dennise ay si Josh ang sunod na tinanong ni Dennise, "Ikaw?"


I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now