[58] - Until Then

66 1 0
                                    

RHIANNE's POV

Natapos ang pa-despedida namin kay Josh kagabi na puno ng iyakan. 'Yun na rin pala kasi muna ang huling beses na kompleto kaming magdi-dinner sa resto ni Carl at siguro, 'yun na rin muna ang huling kita nila kay Josh dahil aalis na siya sa isang araw. And yes, I cried too.

Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak kapag nakita mong umiiyak na rin ang mga kaibigan mo?

Lalo kaming naiyak 'nang makita naming naggroup-hug sila James, Adrian, Carl at Josh. Sa grouphug na 'yun, nakita namin kung gaano kalambot ang puso ng mga lalaking 'yun, na kahit babara-barako sila tingnan (maliban kay Carl syempre) may pusong mamon din sila tulad naming mga babae. Si Grace, ayaw pang bitawan si Josh dahil hindi na daw ulit sila magkikita at matatagalan pa bago ulit mangyari 'yun.

Nagkasundo ang barkada na 'wag na rin puntahan si Josh sa bahay nila sa araw ng flight nito. Baka lalo lang raw bumigat ang pakiramdam nila at baka lalo lang mahirapan umalis si Josh.

Upon looking at myself in the mirror, I've come to realize that today's the last time that I'll see him.

Bago kami maghiwalay ni Josh kagabi ay sinabi niya sa'kin na susunduin niya ako ngayong gabi para pag-usapan na namin ang mga dapat naming pag-usapan. He asked me to wear something casual and that's what I did.

I don't if I'm gonna call this a friendly date or whatsoever pero basta mag-uusap kaming dalawa.

"So ready ka na ba sa iyakan galore niyo ni Josh mamaya?"

Muntikan ko 'nang maibagsak 'yung phone ko dahil bigla akong ginulat ni Dennise sa likuran ko.

"Papatayin mo ba 'ko sa nerbyos?" sarkastiko kong tanong sa kanya at humarap ako sa kanya, "Sa susunod naman kumatok ka Denshi. Mamatay ako sa takot sa'yo e."

Tumawa lang ang bruha, "'Di ka man magde-dress?"

Agad ko naman siyang binatukan.

"Casual nga lang daw, diba? Tsaka hindi naman date 'yun. Mahiya ka nga kay Angelo." pabiro kong sabi sa kanya, "Wala pang forty days nakikipagdate na? Gusto mo bang isumpa ako ng buong mundo? Mag-uusap lang kami ni Josh. Okay?" klaro ko kay Dennise.

"Joke lang naman. 'To masyadong seryoso." sabi sa'kin ni Dennise at naupo siya sa couch sa kwarto ko, "Anyway, nagtext sa'kin si Josh. Sabihin ko raw sa'yo na malapit na siya. Baka raw kasi naka-silent na naman 'yang phone mo kaya sa'kin na siya nagtext."

Kilalang kilala talaga ko ni Josh. Alam niyang nakakalimutan kong i-on minsan ang sound ng phone ko.

Minutes later, nakarinig kami ni Dennise ng busina mula sa labas ng bahay.

"O mukhang ayan na 'yung sundo mo." sambit ni Dennise at hinatak na ako pababa ng hagdanan.

Paglabas namin sa may gate ay naabutan namin na nakatayo si Josh sa tabi ng sasakyan niya. Agad naman niya kaming sinalubong ni Dennise 'nang makita niya kami na palabas na kami ng gate.

"O Josh, ingatan mo 'yang kaibigan ko ha." bilin ni Dennise dahilan para tingnan ko siya ng masama.

Josh chuckled, "'Kaw naman kung magsalita ka parang 'di ko rin kaibigan 'tong si Rhianne." he scoffed and shook his head, "Mag-uusap lang kami habang nagdidinner, okay? Relax lang."

"'To kasi." tinuro ko si Dennise, "OA din ng taon e."

Dennise laughed, "Kayo naman. O basta mag-iingat kayo ha? Text mo na lang ako Rhianne kapag pauwi na kayo para maabangan kita." bilin ni Dennise

"Opo."sabay naming sagot ni Josh kay Dennise.

I know that this night would be filled with sadness and at the same time happiness. 

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now