[60] - I Fall All Over Again

178 3 0
                                    

JOSH's POV

Sa tuwing tinatanong ako ng mga tao bakit si Rhianne?

Wala akong deretsong maisagot. Hindi dahil sa hindi ko alam pero dahil hindi ko alam kung anong unang rason ang isasagot at ibibigay ko sa kanila.

Was it because of Rhianne's beauty? Rhianne's kindness? Her heart's purity?

I don't know.

Ang dami kong dahilan na kayang ibigay sa inyong lahat kung bakit si Rhianne ang mahal ko, kung bakit siya ang gusto ko. Sa lahat ng rason na 'yun, isa lang ang pinakamahalaga para sa'kin. Si Rhianne ang mahal ko dahil siya ang mahal ko. Tapos ang usapan.

Hindi naman kailangan ng rason para mahalin mo ang isang tao. Hindi naman 'yan math equation na kailangan ng explanation at solution. Hindi naman 'yan element sa periodic table na kailangan ng description. At mas lalo namang hindi 'yan libro na kailangan ng mahabang chapter. Love is love.

Sinunod ko si Rhianne.

I tried my best to stop thinking about her. Sinunod ko 'yung gusto niya na sarili ko naman ang isipin ko. Sa dami ng babae sa London, ni-isa sa kanila wala akong nagustuhan. Hindi dahil mapili ako pero dahil ni-isa sa kanila walang pumantay kay Rhianne. That's when I realized that Rhianne is really the woman for me. Hindi ko na 'yun matatakasan pa at wala naman akong balak takasan 'yun.

Patago akong nagtatanong kay Adrian kung kumusta na si Rhianne at kung anong lagay niya kahit na alam kong may kasunduan kami ni Rhianne na hahayaan namin na tadhana ang gumawa ng paraan.

Binigyan ko siya ng apat na taon para paghilumin ang sugat ng puso niya.

Hindi ko kayang ipagpasa-tadhana ko na lang ang lahat. Sorry, mahal ko e. Ipaglalaban ko.

Apat na taon akong naghintay ng tamang panahon para sa'ming dalawa ni Rhianne. 'Nung sinabi sa'kin ni Adrian ang tungkol sa pagkakanominate ni Rhianne sa FAMAS, I took it as a sign that it's our time, I don't know why but I just felt it. Naramdaman na lang ng puso ko na okay na ang lahat, panahon naman para sa'ming dalawa. Mas lalo kong naisip na sign na nga para sa'min ni Rhianne dahil may aattendan akong seminar sa Manila.

Walang nakakaalam sa barkada na uuwi ako. I was planning to surprise all of them, lalo na si Rhianne and that I saw her reaction, she was very surprised.

Pagkatapos ng gabing 'yun, hindi ko na muling pinakawalan pa si Rhianne Gonzalgo.

Hindi lang seminar ang pinunta ko sa Manila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi lang seminar ang pinunta ko sa Manila. Umuwi rin ako para simulan 'nang ayusin at planuhin ang buhay ko. Naiwan ko dito ang tunay na buhay ko, walang iba kung hindi si Rhianne.

Sinabi sa'kin ni Rhianne na ayusin at isipin ko ang sarili ko and that's what I did.

Sa loob ng apat na taon na malayo ako sa kanya, hindi ako tumigil na maisip siya, hindi ako tumigil na mahalin siya.

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now