[53] - Caught

86 1 0
                                    

JOSH's POV


Days have passed since Angelo's burial.


Ever since that day, hindi na namin narinig si Rhianne na umiyak pa o magsalita ng kahit na ano tungkol kay Angelo at sa nangyari. Maybe it's her way of moving on kaya hinayaan na lang namin siya. Isa pa, we can see that she's fine and okay.


Si Mama nagiging responsive na kahit papaano sa medication at treatment na binibigay sa kanya, sabi ng doktor, it's a good thing raw na nakakakuha kami ng response from her kahit papaano. Hindi ko pa rin nasasabi sa barkada ang tungkol sa balak ko'ng pagpunta sa iba'ng bansa once na matapos na ang lahat ng 'to. I don't know how they'll react with this pero alam ko naman na maiintindihan nila ako dahil para rin naman 'to sa ikakabuti ng lahat.


Kasalukuyan kami'ng kumakain ng hapunan sa bahay nila Rhianne 'nang bigla'ng i-open ni Dennise ang topic tungkol sa mga kaso'ng isasampa namin kay Tish.


"Obviously, murder is one of her cases." Dennise said.


Given na 'yun.


"I really can't wait to see that woman suffer and rot in jail." sambit ni Zia na nakaupo sa tabi ko.


"Sigurado naman ako'ng pagbabayaran ni Tish lahat ng ginawa niya sa'tin. Lahat ng bagay may kabayaran at isa na dun ang mga ginawa niya." sabi ko.


"E ang tanong kailan naman kaya mangyayari 'yan Kuya." napatingin ako kay Zia, maski si Dennise ay napatingin sa kanya, "Alam naman natin pare-pareho na hindi basta-basta susuko 'yung babae'ng 'yun e. Hindi 'yun magpapatalo."


Dennise answered, "Then if she'll not surrender, tayo mismo ang huhuli at magpapabagsak sa kanya."


I was about to say something when I noticed that Rhianne is not saying anything. When I looked at her, she's busy eating her dinner and it's like she's not paying attention to what we're talking about.


"Rhianne.." tawag ko sa kanya. When she stared at me I asked her if she's okay, "..okay ka lang?"


She gave me a small smile and nodded.


"Hindi ka man lang ba magbibigay ng opinyon?" tanong ni Dennise sa katabi niya'ng si Rhianne.


She sighed and put her fork down, "Wala naman ako'ng dapat sabihin e. Ang gusto ko lang mangyari ay mapagbayaran niya ang lahat ng kasalanan niya sa'tin. Kailangan may managot para sa mga buhay na nawala dahil sa kanya." she said then she continue eating her dinner.


Nagkatinginan na lang kami'ng dalawa ni Dennise sa sinabi ni Rhianne.


Alam naman namin pareho na hanggang ngayon hirap pa rin siya'ng magmove-on dahil sa mga nangyari nito'ng mga nakaraang buwan. At kahit ako man ang nasa posisyon niya, gano'n din naman siguro ang mararamdaman ko. It's not easy to lose someone you love, lalo na kung nakasanayan mo'ng lagi'ng kasama ang tao'ng 'yun.

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now