[52] - Laid To Rest

101 3 0
                                    

RHIANNE's POV


The moment I entered my room, I immediately saw the paper that Angelo handed me right before he died. 


Habang nakaburol si Angelo nito'ng mga nakaraang araw, iniwasan ko'ng basahin ang sulat na 'to pero dahil bukas ay ang huli'ng araw na makikita ko siya at dahil bukas na ang libing niya, panahon na siguro para maglakas loob ako'ng basahin ang laman ng sulat na 'to. 


I know that this paper contains the last few words that he wants to tell me. This contains his last message for me, and knowing that this is the last makes my heart breaks into a million pieces again and again. 


Ayoko man basahin dahil alam ko'ng masaskatan lang ako, alam ko'ng kailangan. 


I grabbed the paper and sat down on my reading nook.


'Nang buksan ko ang papel ay doon ko nakita ang mga dugo ni Angelo na natuyo na. Mga dugo na nanggaling sa sugat niya, and seeing those blood made me remembered the last few moments I had with him. 


I took a deep breath before I started reading it. 


To my dearest Rhianne, 

Kung sakali'ng makarating sa'yo ang sulat na 'to, nangangahulugan lang na natalo na ako sa laban ko. Hindi dahil sa sumuko na ako pero dahil binawi na ang buhay ko. 

Nito'ng mga nakaraang araw, iba na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko iilang oras na lang ang natitira sa'kin para mabuhay sa mundo'ng 'to. 

Ilang araw na ako'ng nakakaramdam na may sumusunod at nakatingin sa'kin pero pinili ko'ng 'wag sabihin sa'yo dahil ayoko'ng mag-alala ka pa. At kung magtagumpay nga si Tish na burahin na rin ako sa landas niya, 'wag na 'wag mo'ng kakalimutan na hanggang sa huli'ng hininga ng buhay ko ay ikaw ang minamahal ko. 

Mabawi man nila ang buhay ko pero kailanman ay hindi'ng hindi nila mababawi ang puso't pag-ibig ko sa'yo. 

Alagaan mo'ng sarili mo, mahal ko. 'Pagkat wala na ako para ipaalala iyan sa'yo. 

Hindi mo man ako makita o maramdaman, 'wag mo'ng kakalimutan na palagi ako'ng nakabantay at nakaprotekta sa'yo. 

Patawarin mo 'ko dahil hindi ko na matutupad pa ang pangako ko sa'yo na sabay tayo'ng tatanda't mangangarap 'nang magkasama. Gano'n pa man, mananatili ang pagmamahal ko sa puso mo at gano'n ka rin sa puso ko sa kabila'ng buhay. Mawala man ako sa mundo'ng 'to, mananatili'ng buhay ang puso't pagmamahal ko sa mga alaala nating dalawa. 

Alam ko'ng mahal ka pa rin ni Josh at kung saka-sakali man na muli mo'ng bubuksan ang puso mo para magmahal, hindi ako magda-dalawa'ng isip na suportahan ka. Basta't alam ko'ng masaya ka. Kung ako'ng tatanungin mo, gusto ko'ng si Josh ang papasukin mo'ng muli sa puso mo dahil sa kanya nakakasigurado ako'ng hindi ka niya sasaktan at muli'ng iiwan pa. Maari'ng nagawa ka niya'ng saktan noon pero nagawa niya lang 'yun dahil sa pagmamahal niya para sa'yo. 

Mahal na mahal kita, Rhianne. 

Wala ako'ng pagsisisi dahil mamamatay ako'ng pinaglalalaban, pinoprotektahan at minamahal ka. Paalam, mahal ko. 

Taos puso'ng sumasaiyo, 

Angelo

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon