[3] - Old Flames

236 6 0
                                    

JOSH' POV


My head hurts like hell the next day.


Syempre magdamagan ba naman kaming uminom nila James, and as usual, ako ang natirang matibay dahil nagsiuwian na sila sa kani-kanilang mga bahay at condo kaninang madaling araw. Ayoko pa nga sana silang pauwiin kaso marami pa raw silang gagawin ngayong weekend.


Pucha! Weekend na weekend ang sisipag ng mga lintek kong mga kaibigan.


"Hay nako kuya!" halos mapatalon ako sa gulat 'nang marinig ko ang boses ng kapatid kong palaka, "Uminom ka na naman!" kinurot niya ako sa braso ko at tinitigan ako ng masama, "Ginagawa mo 'nang tubig 'yang alak ah. Ano akala mo sa atay mo? Napapalitan in an instant?"


Anong ginagawa hobbit na 'to dito? Manggugulo na naman 'to ng condo at sigurado akong uubusin na naman niya ang laman ng ref ko! Kaya tumataba 'tong baboy na 'to e.


Sinundan ko naman siya ng tingin, "O alam ko ang iniisip mo kuya." naupo siya sa sofa sa condo ko at itinass pa ang paa sa center table, "Wala akong class ngayon kaya nandito ako."


"Wala pa nga akong sinasabi e. Ang defensive mo talaga." sabi ko sa kanya at napatingin ako dun sa dala niyang paperbag, "Aba nagdala ka pa ng breakfast Zia ah." sinamaan ko siya ng tingin, "May kailangan ka na naman 'no? Sinabi ko naman kasi sa'yo matuto kang magtipid."


Umiling naman sa'kin si Zia, "Excuse me Mr.Liver Lover, wala akong kailangan sa'yo 'no. Nalaman ko kay Ate Grace na nag-inuman kayo dito nila kuya Carl at alam kong ganito ang dadatnan kong scenario kaya nagdala na akong breakfast mo." binuksan niya ang TV at nanuod sa youtube account ko.


Hindi ko na siya pinansin at dumeretso ako sa kusina ng condo ko para kumuha ng plato at para kainin ko na 'yung dinalang pagkain sa'kin ni Zia. Pero napatigil ako sa pag-aayos ng kakainin ko 'nang biglang marinig ko ang kantang tumugtog out of the blue.



You've been searching the world to find true love

Looking in all the wrong places



I know that song.



When all of the time you've been blind to love

It's plain as the nose on your faces



"Zia!" sigaw ko sa pangalan niya 'nang ma-realize ko ang title ng kantang pinlay niya intentionally sa youtube account ko.


'Nang makita ko siya ay tinaas niya ang dalawang kamay niya, "Not guilty!" then she laughed, "Hindi ko kasalanan na 'yan ang number one video na nasa recommended videos mo dito sa accountt mo." binigyan naman ako ng nakakalokong ngiti, "Affected ka kuya?"


I shook my head and ignored her.


Pero kahit na hindi ko na siya pinapansin ay nagpatuloy pa rin ang kanta.



You've been down on yourself

Thinking somethings are wrong

Wondering why love has never found you

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now