[59] - Hello, New Beginning!

91 2 0
                                    

RHIANNE's POV

A month after Josh left, pamilya ko naman ang dumating galing America.

Na-postponed ng isang linggo ang flight nila dahil nanganak na si Ate Nikki. Kaya may mga kinailangan pa silang asikasuhin bago makauwi. Sayang nga hindi ko agad nakita 'yung pamangkin ko pero mayroon naman akong mahabang panahon para maalagaan 'yun at magpaka-Tita. 

It's official guys, isa na akong Titas of Manila.  

"Ang cute cute talaga nitong pamangkin ko!" sambit ko at binuhat ko si Cassandra Michelle, also known as Baby Cassy, "Kailan mo balak pabinyagan 'to 'te?" 

Magkakasama kaming nakatambay nila Ate Nikki, Kuya Ethan at Dennise sa sala. Nasa mall kasi sila Mommy at Daddy kasama 'yung kumare at kumpare nila kaya naiwan lang kami dito sa bahay. 

Nagkatinginan si Ate Nikki at Kuya Ethan. 

"Wala pa kaming initial plan e. Maybe a month or two from now." sagot ni Ate Nikki sa'kin. 

"Sayang naman, kukunin pa naman sana naming Ninong si Angelo pati si Josh." malungkot na sabi ni Kuya Ethan, "'Nung nalaman namin 'yung nangyari kay Angelo, halos magwala na kaming lahat na umuwi. Kayalang, mahigpit mong pinagbilin sa'min na 'wag kaming uuwi kung hindi magkukulong ka sa kwarto mo. Takot lang namin." 

Bahagya naman akong natawa, "Ayoko lang talagang pauwiin kayo 'nun kasi delikado." sagot ko at tiningnan ko 'yung pamangkin ko na mahigpit na nakahawak sa hinlalaki ko, "Isa pa, kinaya ko naman 'yung nangyari. Mahirap at masakit pero alam kong kailangan kong ituloy 'yung buhay ko." 

Bumuntong hininga si Ate Nikki, "Kinailangan pa talagang may mamatay para lang matauhan 'yang si Tish Amanriquez." inis na sabi ni Ate Nikki at napailing siya, "Siguro kung buhay lang si Angelo, baka kasal niyo 'nang dalawa ang inaayos natin."

I sighed and nodded. 

"Wherever Angelos is, nakabantay na siya sa'tin lagi." sagot naman ni Kuya Ethan, "Mamimiss lang talaga natin siyang makasama pero lagi pa rin naman natin siyang kasama ano man ang mangyari." dagdag pa ni Kuya Ethan. 

"E si Josh? Kumusta na siya sa London?" biglang tanong ni Ate Nikki. 

"Hay nako 'Te Nikki!" singhal ni Dennise at inirapan ako, "Hindi niya alam kung kumusta na si Josh dahil may usapan daw silang dalawa." 

Agad ko namang binato ng unan si Denshi. 

"Anong usapan?" nagtatakang tanong ni Ate Nikki. 

"Usapan na kakalimutan na muna namin 'yung nararamdaman namin sa isa't isa, at uunahin muna namin sa pagkakataong 'to ang mga kanya-kanya naming buhay." I sighed, "Which is the right thing to do. Buong buhay na lang niya puro ibang tao ang iniisip niya, lalo na 'nung minahal niya ako. Gusto ko naman na siya naman ang magkaroon ng oras para sa sarili niya." 

"Isa kang malaking hay nako Rhianne." sambit ni Kuya Ethan at bahagyang ginulo ang buhok ko. 

I chuckled, "Alam niyo, kung para talaga kami ni Josh sa isa't isa, magkikita't magkikita kami sa dulo ng kwento naming dalawa. Kung hindi, e di hindi." lumapit ako kay Ate Nikki at inabot si Baby Cassy dahil umiiyak na ito, "Hayaan na natin na tadhana na ang gumawa ng paraan." 

"Hayaan na natin 'yang si Rhianne." depensa naman sa'kin ni Ate Nikki, "Somehow, may point siya. Maganda na rin siguro na ganon ang mangyari sa kanila. Kung ipipilit lang nila, baka magkasakitan na naman sila at mauwi lang sa wala. Kung hahayaan natin na tadhana mismo ang magtakda para sa kanilang dalawa, then no questions asked. They really are meant for each other. End of the story." 

I Fall All Over AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora