[16] - Unexpected Meetings

165 7 1
                                    

JOSH' POV


"Alam mo namang 'di kita matitiis e." nagulat ako 'nang bigla'ng may tumabi sa'kin sa pagkakaupo ko sa buhangin. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko'ng si Grace 'yun at inabutan ako ng isa'ng tasa ng kape, "Good morning." bati niya sa'kin.


Ngumiti naman ako at ginulo-gulo ko 'yung buhok niya, "Morning."


Ganito naman talaga kami ni Grace. Magkakaaway, magkakasagutan at magkakapikunan, pero sa huli magkaibigan pa rin kami'ng dalawa. Likas na talaga sa'min ang ganong klase'ng tampuhan, hindi rin naman namin natitiis ang isa't isa dahil para na rin kami'ng magkapatid.


"Pasensya ka na sa mga nasabi ko kagabi ah. Alam mo naman na concern lang ako sa best friend ko, higit pa sa magkapatid ang turingan namin 'nun e." paliwanag sa'kin ni Grace habang nakatingin kami pareho sa dagat na nasa harapan namin.


Today's our last day here in Batangas, kaya ang iba sa'min sinusulit na ang pakikipagbonding sa iba naming mga kaklase, ilang taon na naman sigurado ang dadaan bago maulit 'to.


Sayang, wala si Rhianne. Hindi niya masyado'ng na-enjoy.


I took a sip from the coffee that Grace gave me then I sighed, "In just a month, magpapakasal ka na." napangisi naman ako kaya napatingin siya sa'kin, "All along tama ang hinala naming lahat na ikaw ang una'ng magpapakasal sa barkada, na kayo'ng dalawa ni Adrian ang una'ng sasabak sa altar."


Binatukan naman ako ni Grace.


Noon palang, noong araw na pinakilala palang sa'min ni Grace si Adrian two years before Rhianne left for the States, alam na naming lahat na si Adrian ang lalaki'ng para kay Grace.


It was their second round in love, nagkahiwalay kasi sila 'nung una'ng beses dahil wrong timing ang lahat. Pero totoo ang sinasabi nila na kung para sa'yo talaga, ibabalik sa'yo. Look at what happened, binalik ng tadhana si Adrian at Grace sa isa't isa, and up to this day sila pa rin. It only means that they really are meant for each other.


"E ikaw ba?" bigla'ng tanong sa'kin ni Grace.


I frowned in confusion, "Ano'ng ako ba?" tanong ko naman sa kanya.


"Wala ka pa ba'ng balak hanapin 'yung babae'ng nakalaan talaga para sa'yo?" napainom na lang ako sa naging tanong sa'kin ni Grace, "Josh, sa tuwing tatanungin ka namin tungkol diyan, lagi ka na lang umiiwas. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?"


"Hindi ako umiiwas." sabi ko naman at binalik ko ang tingin ko sa dagat, "Ayoko lang madaliin 'yung sarili ko, baka masaktan na naman ako, or worse," sumulyap ako sandali kay Grace, "..baka makasakit na naman ako." I shook my head as I face the ocean again, "Ni-hindi pa nga ako napapatawad ni Rhianne sa nagawa ko sa kanya e. Maghahanap na naman ako ng babae'ng bago'ng sasaktan."


Hinawakan ni Grace ang balikat ko at sumandal siya doon, "Bago mo tanungin si Rhianne kung napatawad ka na ba niya o hindi, unahin mo muna'ng patawarin ang sarili mo."


"Pa'no?" tanong ko agad sa kanya.


"Unahin mo'ng patawarin ang sarili mo, dahil hangga't hindi mo napapatawad ang sarili mo, hindi mo matutunan ang magpatawad para sa iba'ng tao, at hindi mo rin mararamdaman ang kapatawaran ng iba'ng tao." tinaas ni Grace ang ulo niya at tinapik ang balikat ko, "Alam mo naman na mabunganga lang ako, pero hindi ko naman kayo natitiis e. Mas gugustuhin ko pa rin na damayan kayo lagi."

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now