[18] - Confrontations & Truths

109 3 1
                                    

RHIANNE's POV


Finally, Grace and Adrian's wedding is happening next week. Kaya lahat kami ngayon aligaga sa pagtulong sa dalawa.


Today's Saturday, hindi kami nakapagdinner kahapon dahil pare-pareho kami'ng busy sa mga kanya-kanya'ng trabaho kaya ngayon na lang kami nagset ng Dinner, pero kung sakali'ng sisipot siya, ito ang una'ng beses na magkikita ulit kami'ng dalawa mula 'nung nasampal ko siya.


"Carl, pupunta raw ba si Josh ngayon?" rinig ko'ng tanong ni Adrian kay Carl na busy sa ginagawa'ng juice para sa'min, "Ngayon ko sana ibibigay sa kanya 'yung suit na pinagawa namin para sa kanya e."


Tumango naman si Carl kay Adrian, "Sabi niya pupunta raw siya kasi ngayon mo raw ibibigay 'yung suit." sagot ni Carl.


Dalawang linggo ko 'nang iniiwasan si Josh. Bawat messages at tawag niya na hindi ko sinasagot ay may epekto rin sa konsensya ko. He's trying his best to win our friendship back, but too bad wala ako'ng magawa para tulungan siya'ng gawin 'yun because I already accepted the fact that our friendship can never be relived ever again.


"Hoy tuloy 'yung Albay trip natin ah!" sabi ni Carl at nilapag niya 'yung juice sa table namin, "Nasabihan ko na 'yung Tita ko dun, sabi ko magsasama ako ng mga kaibigan."


Tumawa naman si Adrian kaya napatingin kami sa kanya, "Magsasama ka ng kaibigan kasi natatakot ka."


Tinawanan naman namin sila'ng dalawa dahil binalibag ni Carl ng tissue si Adrian.


"Sayang naman 'di namin kayo makakasama sa Albay. Gumawa na kami'ng itinerary ni Rhianne at Hannah e, exciting 'yung mga activities nila don!" sabi ni Dennise kay Grace habang inaayos namin 'yung bridal shower at bachelorette party ni Adrian na magkasabay na lang na gaganapin bukas.


Bakas din sa mukha ni Grace na malungkot siya dahil di sila makakasama ni Adrian sa Albay trip namin.


Hinampas ko naman siya sa balikat niya pero mahina lang, "Ano ka ba beks? Nasa Japan ka naman kasama ni Adrian 'no! Kaya for sure mas mag-eenjoy ka dun."


"Oo nga!" sabi naman ni Dennise.


I smiled at Grace and held her hand, "'Wag ka'ng mag-alala, pwede naman tayo'ng magbakasyon after ng honeymoon niyo e. 'Yun nga lang baka pagkatapos na ng project namin ni Dennise."


"Sobra'ng bigat na ng sched namin after ng Albay trip namin." pagod na pagod na sabi ni Dennise na nakaupo sa kaliwa ko. "In a few weeks lang magstart na kami ng taping para sa show."


Since natapos na ang casting at ang paghahanap ng mga location, magstart na kami ng taping pagkagaling namin ng Albay.


"Uy Rhianne." napatingin ako kay Carl na naglaba ng fries galing sa kusina, "Baka pwede mo namang isama si Direk."


Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Carl.


I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now