[31] - Hard To Say I'm Sorry

98 4 0
                                    

RHIANNE's POV


I got a call from Angelo telling me na may mahalaga siya'ng sasabihin sa'kin, and there's someone who wants to talk to me. 


It's a bit weird phone call, pero kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko pinili mo pa rin pumunta dahil baka nga mahalaga 'yun sasabihin niya.


He asked me to come to this restaurant and gave me a private dinning area.


Gano'n kahalaga 'yung sasabihin niya to the point na nagreserve pa siya ng privatr room sa isa'ng restaurant?


"Hi Babe!" bati ko sa kanya pagpasok ko sa loob ng private room na kinuha niya. I approached him and gave him a quick kiss, "Bakit dito pa tayo mag-uusap?" tanong ko agad sa kanya.


He stood up and gave me a kiss on my forehead, I could tell in his eyes na medyo bothered siya at parang may malalim na iniisip.


"Babe.." he grabbed my hands and held it. 


He seems nervous, and I'm wondering why. 


Or should I say na maski ako ay kinakabahan na rin sa dahilan ng pagkikita namin ngayon ng biglaan? 


"Babe, may problema ba?" tanong ko sa kanya at hinawakan ko siya sa noo para salatin kung may lagnat siya or may sakit, "Medyo mainit ka Babe, gusto mo ba umuwi na tayo para makapagpahinga ka?" tanong ko sa kanya. 


Kinuha niya 'yung kamay ko'ng sumalat sa noo niya at hinawakan 'yun, "I'm fine. I can just take a rest later, but there's someone who wants to talk to you na hindi na makakapaghintay." lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabila'ng pisngi ko, "Alam ko magagalit ka o sasama ang loob mo pero sana maintindihan mo kung bakit ko 'to ginawa." 


Napakunot na ako ng noo, "Sabihin mo na sa'kin Babe. Kinakabahan na 'ko e." 


Without any signal, bigla'ng bumukas ang pintuan ng private room at pumasok ang pinakahuli'ng tao'ng gusto ko'ng makita sa araw na 'to o sa buo'ng buhay ko. 


Iniluwa ng pintuan na 'yun ang kaisa-isa'ng tao'ng sumira ng puso ko, ang tao'ng labis ako'ng pinasakitan at pinaasa, ang lalaki'ng nagpaniwala sa'kin na kamahal-mahal ako pero ni-minsan hindi naman nagawa'ng manindigan. 


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now