[4] - Ready or Not

202 7 2
                                    

JOSH' POV


"So guys, nabasa niyo na naman siguro 'yung invitation na pinadala ko sa inyo 'no?" and finally Grace opened the topic about the reunion, "Obviously hindi 'yun invitation sa kasal namin ni Adrian dahil next next week pa kami mamimigay. It's an invitation for our section's reunion."


Hindi naman gulat ang iba dahil nabasa at nakita na rin nila ang invitation na sinasabi ni Grace.


Nagpatuloy si Grace sa pagsasalita, "So ano? Sino sa inyo ang hindi aattend?" tanong ni Grace sa'ming lahat.


'Nung una ay nagkakapalitan kami ng tingin pero mayamaya pa ay lahat sila napatingin na sa'kin. Napakunot naman ako ng noo, "Ba't sa'kin kayo nakatingin?" tanong ko sa kanila.


"Alam mo na naman siguro kung saan gaganapin 'yung reunion diba?" tanong sa'kin ni James at tumango ako, "At alam mo na rin siguro kung sino ang nagpasimuno ng reunion sa Batangas na 'to diba?" si Gian "So ikaw ang tatanungin namin ngayon Josh, aattend ka ba?"


Sunod na nagsalita si Dennise, "Alam naman nating lahat na dun kayo nagkaroon ng away ni Rhianne diba?"


Seeing their faces I know that they are just concern. Concern sila lalo na at kasama na si Rhianne sa reunion, although nasabi na sa'kin ni Grace na okay lang kay Rhianne na sa Batangas ganapin ang reunion namin.


I sighed and stared at them one by one while saying, "I know you guys are concern about me, dahil nalaman ko naman dito kay Grace na alam na ni Rhianne ang tungkol dito at wala namang problema sa kanya. Wala namang problema sa'kin, I'm just wondering why Gian wanted to use Catherine's resthouse as the venue of our reunion."


"What's wrong with that?" tanong ni Adrian.


Si Grace ang sumagot sa tanong ng fiancé niya, "Alam ni Gian ang tungkol kay Rhianne at Josh. Diba mag ex 'tong si Josh at Gian." napahinto naman sa pagsasalita si Grace dahil parang may naalala siya, "Speaking of Gian, I have something to say to all of you guys."


Nagkapalitan kaming lahat ng tingin dahil mukhang seryoso ang sasabihin ni Grace.


"Ano 'yun?" tanong ni Dennise.


But the moment Dennise asked Grace, the chime in the resto suddenly rang.


Lahat kami napatingin sa nagbukas ng pintuan ng resto ni Carl dahil usually sinasarado ni Carl ang pintuan kapag magkakasama kami dito para wala 'nang mag-akala na bukas pa siya. Pero lahat kami nagulat 'nang ang pumasok sa pintuan ay si Cheska kasama si Gian.


Napatingin ako kay Grace na mukhang kanina pa nakatingin sa'kin, she gave me an "I'm sorry" look. So ito 'yung dapat sasabihin niya sa'min? Pupunta dito sila Gian at Cheska?


"Cheska! Gian!" agad namang tumayo sila Hannah, James, Carl at Dennis para salubungin ang dalawa na naglalakad palapit sa amin. Sumunod na rin kaming tumayo at sinalubong ang dalawa.


Lumapit sa'kin si Cheska at niyakap ako, "Musta na?" tanong niya sa'kin habang nakayakap sa'kin.

I Fall All Over AgainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora