[17] - No more chances

114 4 1
                                    

JOSH' POV


"Josh, intindihin mo na lang si Rhianne at pati na rin 'yung pamilya niya." sabi ni Adrian habang nakatambay kami sa isa'ng gasoline station.


After Rhianne walked out on me, sumunod na lumabas sila Adrian at Carl. They asked me what happened at kung bakit umiiyak na si Rhianne pagpasok nito sa loob.


I decided to go home pero nag-insist si Adrian na ihahatid na lang niya kami ni Carl. Si Carl naihatid namin sa resto niya dahil nandoon ang kotse niya, pero si Adrian inaya ako'ng magstay muna kami sa isa'ng gasoline station.


"Nagtext si Grace." napatingin ako kay Adrian, "'Wag ka na mag-alala kay Rhianne, okay na siya at nandoon naman sila ni Dennise pati na rin daw 'yung Angelo hindi pa umuuwi."


Angelo.


Bakit si Angelo nandon sa tabi niya? Samantalang ako dapat 'yung nandon dahil kami'ng dalawa ang magkaibigan. Diba?


"Kailangan ko'ng bumalik dun." sabi ko at uminom ako ng tubig.


Patayo palang ako sa upuan 'nang pigilan ako ni Adrian, "Naghahanap ka ba talaga ng sakit sa katawan?" tanong niya sa'kin, "Alam ko 'pag bumalik ka don baka hindi lang sampal ni Rhianne ang matanggap mo. Baka sapakin ka pa ni Kuya Ethan o di kaya ni Ate Nikki. Pabayaan mo na lang muna lumamig 'yung sitwasyon, sigurado ako'ng hindi pa handa si Rhianne na harapin ka." payo sa'kin ni Adrian at bumalik siya sa pagkain ng chips na binili namin kanina.


Napahawak ako sa ulo ko.


Bakit ba kailangan umabot ang lahat sa ganito? Bakit ba ang hirap magpatawad? Bakit hanggang ngayon hindi pa rkn ako mapatawad ng pamilya ni Rhianne? At bakit ako nakakaramdam ng inis ngayon?


"'Di ko na maintindihan brod." sabi ko kay Adrian havang nakayuko ako at nakahawak sa ulo ko, "Ang gulo-gulo na. Dumadagdag pa 'yung Angelo na 'yan!"


Adrian clicks his tongue, "Ba't ka naman naiinis kay Angelo? Mabait naman 'yung tao, atsaka ayaw mo ba 'nun may dumadamay kay Rhianne ngayon maliban sa barkada natin." sabi nito.


'Yun na nga. May barkada naman bakit kailangan pa'ng may dumamay na Angelo kay Rhianne.


"Ba't di mo pa kasi aminin na nagse-selos ka?" napatingala ako at napatingin kay Adrian sa naging tanong niya sa'kin. "Alam mo kahit masama ang loob sa'yo ni Rhianne at ng pamilya niya ngayon, wala'ng makakapantay sa pinagsamahan niyo'ng dalawa. Sooner or later, magkakaayos din kayo'ng dalawa. Makita mo, magagawa ka rin patawarin ng pamilya ni Rhianne at ganon din siya. Just give her time."


I shook my head, "Hindi ako nagse-selos. Okay?" sagot ko naman sa kanya, "Ayoko lang na ganito 'yung sitwasyon."


"E wala tayo'ng magagawa diyan brod." sabi ni Adrian at muli naman ako'ng napayuko at napahawak sa ulo ko, "Time heals all wounds. Aminjn man natin o hindi, totoo'ng may kasalanan ka sa kanila. Kaya harapin ko at tanggalin mo 'yung consequences ng pagkakamali mo at kasalanan mo." tinapik niya ang balikat ko kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, "Matuto ka na sa pagkakamali mo. Ngayon na nandito si Rhianne at habang nandito ang Ate Nikki niya, ipakita mo sa kanila kung gaano ka nagsisisi sa lahat ng nagawa mo. Show them that you're worthy of their forgiveness."

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now