[44] - I need you

149 2 2
                                    

RHIANNE's POV


Iniwan na namin ni Dennise si Hannah at Grace kasama si Baby Rafa sa Bulacan, 'yun din ang mahigpit na bilin sa'min ni Adrian pati na rin ni Angelo. Nagpadala agad sila ng mas marami pa'ng security sa Bulacan para masigurado ang kaligtasan nila Grace doon.


Pagdating namin sa ospital, naabutan ko'ng nakaupo sa labas ng emergency room si Angelo, Josh at Carl. Napansin ko agad ang madami'ng dugo sa mga damit nila, lalo na sa damit ni Josh.


Speaking of Josh, tulala siya at parang wala'ng iba'ng nakikita. Samantala'ng si Angelo at Carl nakita agad kami kaya sinalubong nila kami ni Dennise.


"Babe, ano'ng nangyari?" tanong ko agad kay Angelo 'nang makalapit siya sa'kin.


Pare-pareho kami'ng napalingon sa direksyon kung saan nakaupo si Josh at nakatulala sa kawalan.


"Bakit kayo magkakasama'ng tatlo?" tanong ni Dennise kay Carl at Angelo, "Ano ba talaga'ng nangyari? Kumusta 'yung parents ni Josh?" dagdag na tanong pa niya sa dalawa.


"Nagpa-plano kasi kami'ng tatlo ng isa'ng inuman para mapagbati si Josh at James, dun kami nagmeet sa bahay nila Josh. Pagdating namin do'n paalis ang parents ni Josh dahil may pupuntahang event, paglabas nila dun na kami nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril." kwento ni Carl sa'min.


What the hell?


"'Nung lumabas kami, naabutan na namin na nakahandusay sa kalsada ang parents ni Josh. Mabilis namin sila'ng tinakbo dito sa ospital." pagpapatuloy ni Carl sa kwento niya.


Then Angelo said something, "Si Zia, 'yung kapatid ni Josh hindi pa niya alam 'yung nangyari. Hindi pa namin naririnig na nagsalita si Josh. Mukha'ng dinidibdib niya ang nangyari sa Dada niya."


I frowned in confusion, "Teka? Ano'ng nangyari sa Daddy ni Josh?" mabilis ko'ng tanong kay Angelo.


Umiling-iling si Angelo which made me realized what happened to Josh's father, "Hindi na siya umabot." pagkumpirma ni Angelo sa hinala ko. Lumapit sa'kin si Angelo at hinawakan ako sa braso ko, "Babe, I think he needs a friend right now. Can you try talking to him?" tanong sa'kin ni Angelo.


"I think Angelo's right. Baka ikaw ang makakapagpasalita sa kanya." sabi ni Dennise.


"Nasa loob pa ng emergency room ang Mama niya. Hanggang ngayon 'di pa rin lumalabas 'yung mga doktor e." Carl said.


Muli ako'ng sumilip kung saan nakaupo si Josh.


He doesn't deserve this kind of pain. Buo'ng buhay niya nagalit siya sa Daddy niya dahil sa pangalawa'ng pamilya nito, mabuti na lamang at nagawa pa nila'ng bumawi sa isa't isa. Gano'n pa man, alam ko'ng masakit para sa kanya ang nangyari sa Dada niya.


'Nung hindi niya pa alam ang tungkol sa pangalawa'ng pamilya ng Dada niya, sobra'ng close nila'ng dalawa. Lahat ng sikreto niya, sa Daddy niya dume-deretso. Kapag gusto niya'ng magpaalam umalis at gumala, sa Daddy niya siya dume-deretso dahil alam niya'ng mas papayagan siya nito kesa sa Mama niya. It hurts seeing him like this. Ni-hindi man lang niya magawa'ng magluksa maybe because hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa Daddy niya.

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now