[8] - All The Whats and Whys

161 6 0
                                    

RHIANNE's POV


Dalawang araw na mula 'nung nakabalik ako dito sa Pilipinas at ngayong araw ang first day ko sa trabaho ko sa TV network na pinagta-trabahuhan din ni Dennise. Nagkaroon kasi ng openning as a resident writer kaya ako agad ang naisip ni Dennise. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil finally nakuha ko rin ang dream job ko.


"Rhianne, hindi ba talaga nakakahiya kela Tito at Tita na dito muna ako sa inyo tumira?" tanong sa'kin ni Dennise habang on the way kami sa trabaho namin. Nag-isang sasakyan na lang kami ni Dennise para hindi na rin siya ma-hassle pa. Thanks to my international license.


"Para ka talagang ewan." sabi ko sa kanya at nagfocus na lang sa pagda-drive, "Sila nga mismo ang nagsabi na samin ka muna magstay, na 'wag mong madaliin ang paghahanap ng matitirhan kasi okay lang na dun ka muna samin."


Agad naman sumagot ai Dennise, "Sa ngayon wala akong balak iwan ka mag-isa dun sa inyo pero syempre nakakahiya na kapag nandiyan na sila Tito." noon pa man mahiyain na si Dennise pagdating sa mga ganitong bagay pero lagi pa rin namin siyang pinapaalalahanan na para na kaming magkakapatid sa barkada, "Maiba ako, kailan mo balak kausapin si Gian?"


"Hindi ko pa nga alam e." sagot ko kay Dennise.


"Nabanggit sa'min ni Josh na gusto rin niyang kausapin si Gian. Bakit di pa kayo magsabay?" tanong ni Dennise sa'kin at nagkatinginan kaming dalawa, "Mas mabuti na 'yun 'no para mas maipaliwanag niyo sa kanya 'yung totoo."


Umiling naman ako agad, "Denshi, kung makikita niya kaming magkasama ni Josh baka mas lalo siyang mag-isip ng masama." katwiran ko.


"E kung ganon siya mag-isip, siya na may problema." bakas sa boses ni Dennise ang pagkainis, "Okay, hindi ako nagagalit or naiinis sa'yo, kay Gian ako naiinis."


"Intindihin mo na lang siya Denshi." sabi ko.


Napatingin ako sa kanya at siya naman ang umiling sa'kin, "Iniintindi naman namin siya nila Grace, pero 'yung fact na pagsasalitaan ka niya ng kung ano-ano, dun na kami hindi makakapayag."


Nakakatouch na ganito sila ka-worried at ka-concern sa'kin. Somehow, ang sarap sa pakiramdam pero somehow naiintindihan ko naman kung bakit nagawa akong pagsalitaan ng ganon ni Gian.


"Look Rhianne, kung sa tingin mo may karapatan siyang pagsalitaan ka ng ganon, ako na mismo ang magsasabi sa'yo na wala." deretsahan talaga kung magsalita si Dennise, and that's the best thing about her. Sinasabi niya ang mga gusto niya without any hesitations, "Siya na ang may problema at hindi na ikaw. Siya pala 'tong hindi pa nakaka-move on sa past nila ni Josh."


"Actually nakakagulat na marinig 'yun. Nagkaboyfriend na naman siya after Josh diba? So does that mean na hindi niya talaga minahal 'yung ex-boyfriend niyang 'yun?" nagtataka kong tanong kay Dennise.


She sighed before answering me, "Baka ginawa niyang rebound or baka gusto niya lang ipakita noon kay Josh na she's over him, but in reality, hindi pa pala." napasinghal naman si Dennise kaya napatingin ako sa kanya sandali, "Tingna mo si Josh, ganon din ginawa niya. He thought he's over you, kaya ni-rebound niya si Tish. Hindi nagtagal, naghiwalay din sila."

I Fall All Over Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن