[54] - Tactics & Strategies

130 3 0
                                    

RHIANNE's POV


"Chief!" 


'Nang makita kami ni Chief Dela Questa ay agad niya kami'ng nilapitan nila Grace at Dennise. 


"Ano po'ng nangyari? Pa'no po nahuli si Tish?" tanong ko agad. 


"Nakuha namin ang plate number ng saskayang ginamit ng bumaril sa inyo ni Angelo. Pinakalat ko ang utos sa bawat presinto at police station na kung sino'ng makakakita sa plate number na 'yun ay ipagbigay alam agad sa'min." pinakita ni Chief Dela Questa sa'min 'yung CCTV footage ng plate number ng mga bumaril sa'min ni Angelo, "Nakatanggap kami ng tawag sa isa sa mga police station at sinabi'ng dito daw nila nakita'ng nakaparada ang sasakyan na 'yan." 


Nilibot ko ang tingin ko sa buo'ng lugar at dun ko napansin na isa'ng luma'ng bahay pala ang nakatayo doon. May mga halaman at puno na at mukha'ng napabayaan na rin kaya hindi na aakalain na may nakatira pa dito. Sunod ko'ng nakita ang sasakyan na ginamit ng mga shooter 'nung araw na pinaulanan kami ng bala ni Angelo, ang sasakyang ginamit ng mga lalaki'ng pumatay kay Angelo. 


"And where is that b*tch?" tanong ni Dennise kay Chief Dela Questa. 


"Kasalukuyan siya'ng hinuhuli ng mga tauhan ko. Nagkulong siya sa isa sa mga kwarto dito sa luma'ng bahay pero 'wag na kayo'ng mag-alala dahil napalibutan na ang buo'ng paligid kaya wala 'nang takas si Amanriquez." paliwanag sa'min ni Chief Dela Questa. 


Binalik ko ang atensyon ko sa mga pulis, "Chief, is there any chance or possibility na matakasan pa ni Tish ang batas?" tanong ko agad. "Tuso ang babae'ng 'yan at lahat gagawin niya makatakas lang." 


Mukha'ng natahimik sandali si Chief at hindi agad nakasagot. 


So, there's a possibility na matakasan pa ng babae'ng 'yun ang lahat ng kasalanan niya. 


"Ipagdasal na lang natin na hindi niya maisipang magbaliw-baliwan." sambit ni Chief Dela Questa. 


Napakunot naman ako ng noo, "At kung maisip niya 'yun? What? We're doomed?" tanong ko. 


"According to the law.." napalingon kami'ng lahat kay James na naglalakad na palapit sa'min kasama si Hannah at Carl, "..kapag napatunayan na ang nasasakdal ay may psychological problem, that person will be convicted and confined in a mental institution. Hindi siya pwede'ng ikulong sa loob ng bilibid dahil lalo lang lalala ang psychological problem niya." 


"Tama si James." napatingin kami'ng lahat kay Chief Dela Questa, "Oras na mapatunayan sa korte na may sayad sa ulo ang babae'ng 'yan, hindi siya makukulong. She'll be confined in a mental hospital." 


"Hindi!" matigas na sabi ni Grace, "Hindi tayo papayag na basta-basta na lang makatakas ang babae'ng 'yan sa mga kasalanang ginawa niya sa'tin! I'll make sure that woman will rot in jail!"


Ilang sandali pa ay sunod na rin dumating sila Josh at Adrian. 


I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon