[13] - The Reunion

138 5 1
                                    

RHIANNE's POV


Hindi na yata talaga mawawala sa lakad ng barkada ang laging nala-late at hindi tumutupad sa usapan. Gaya na lang ng nangyari sa'min ngayon.


Nandito na kami sa resto ni Carl, dito na rin kasi napagkasunduan ng barkada na magbreakfast bago dumeretso ng Batangas, pero nakatapos na kaming kumain ng almusal hindi pa rin dumadating ang ever-late na loveteam ng barkada na si James at Hannah.


"Pambihira naman 'yang dalawang 'yan." at naglabas na ng panibagong pitsel ng tubig si Carl dahil naubos na ang mga kapeng iniinom namin, "Sa dami ng oras na pwede silang ma-late talagang ngayon pa ah. Sigurado 'nang mata-traffic tayo niyan."


"E mahirap daw kasi kumuhang taxi." singit na sagot ni Dennise na kumakain pa rin hanggang ngayon.


"E bakit naman kayong dalawa ni Rhianne nakakuha agad ng taxi?" tanong agad ni Carl sa'min.


Napagkasunduan kasi ng barkada na 'yung van na lang nila Adrian ang gamitin papuntang Batangas para isang sasakyan na lang kami. Mas masaya nga naman ang roadtrip kung magkakasama kaming lahat.


At dahil van 'yun nila Adrian, siya na lang ang magda-drive pero kapag napagod naman daw siya ay papayag siyang magpapalit sa mga boys o kahit sa'ming dalawa ni Dennise dahil kami lang naman ang may driver's license sa girls.


Tumunog naman ang chime ng glass door ng resto ni Carl kaya napatingin kaming lahat, but to our surprise hindi pa rin sila James 'yun.


"O ano Josh? Wala pa rin ba?" tanong ni Grace kay Josh na siyang pumasok ng pintuan at galing sa labas. Sinagot naman siya ng iling ni Josh, "Grabe na talaga. Baka bukas pa tayo makarating niyan sa paroroonan natin." at nagpaypay kunwari si Grace dahil sa pagkainip, "Makakatikim talaga sa'kin ng konyat 'yang si James, siya na naman ang source ng kabagalan."


Nitong mga nagdaang araw, napapadalas na ang pagpapalit-palit ni Grace ng mood. Naiintindihan naman namin sila ni Adrian dahil a few weeks after this reunion, kasal naman nilang dalawa ni Adrian ang pagkakaabalahan naming lahat. Nitong mga nakaraang araw din naging busy kami ni Dennise sa project naming dalawa.


By the way, okay naman pala si Angelo. Ako lang talaga 'tong masungit at may pagka-judgmental, pero okay naman siya at wala naman siyang pinakitang kayabangan sa'min ni Dennise tuwing magkakameeting kami.


A few minutes later, dumating na rin sa wakas si James at Hannah.


Agad namang naglakad si Grace papunta kay James para kutusan, "Ikaw talaga late na naman kayo dahil sa kabagalan mo." sabi agad ni Grace.


"E sorry na. Ang hirap kumuha ng taxi e." katwiran agad ni James.


Naglakad na kaming lahat palapit sa kanila at agad naman akong pumagitna kay James at Grace dahil baka magkapikunan pa 'yung dalawa, "Okay sige na tama 'yan." awat ko sa kanilang dalawa, "Mabuti pa umalis na tayo para hindi tayo ma-traffic. Malapit na mag-eight in the morning kaya kailangan na nating bilisan."

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now