[9] - Defend The Truth

127 5 1
                                    

JOSH' POV


"Alam mo Josh, hindi mo naman masisisi si Rhianne kung nahihirapan siyang ibalik yung dating samahan niyong dalawa." napatingin ako kay James na kaisa-isang taong naaya kong samahan akong uminom kahit na dis-oras na ng gabi, "Alam naman nating pareho na nasaktan mo siya."


Binaba ko yung beer na hawak ko at nagsalita, "Hindi ko naman itinatanggi na nasaktan ko siya, hindi ko inaalis sa kanya ang masaktan pero hanggang kailan ko ba siya masasaktan?"


"Nagagalit ka ba sa kanya dahil hanggang ngayon hindi pa rin kayo nagkakaayos?" hindi ko na hinayaang makatapos sa pagsasalita si James.


"No. Nagagalit ako sa sarili ko kasi nasasaktan ko pa rin siya kahit hindi ko naman gustong masaktan siya." napahawak ako sa sintido ko at napayuko na lang.


Hindi ko ginustong masaktan si Rhianne. Sunod sa Mama ko at sa kapatid kong si Zia, si Rhianne yung babaeng pinakaayokong masaktan. Malas ko, ako pa ang nakapanakit sa kanilang tatlo.


"Pare sabihin mo nga sa'kin, masama ba kong tao?" tanong ko kay James.


Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko, "Hindi ka masamang tao Josh. Ikaw yung isa sa pinakamabuti kong kaibigan, at sigurado akong ganon din ang tingin nila Hannah sa'yo, and even Rhianne."


"Lahat ng babae sa paligid ko nasaktan ko. Ang laki kong gago." at mahina kong sinuntok ang ulo ko.


Agad namang pinigilan ni James yung kamay ko, "Tama na yan pre." sabi niya at binawi sa'kin yung beer na hawak ko, "Hindi ko maintindihan yang sinasabi mo e. Mahal na mahal mo kaya ang pamilya mo, lalo na ang Mama at kapatid mo. Kaya di ko maintindihan yang sinasabi mong nasaktan mo lahat ng babaeng nakapaligid sayo."


Lahat sila. Isama mo pa si Gian na nasaktan ko noon, kaya nga kami nagkahiwalay e, dahil sa kagaguhan ko din.


Si Mama. Ilang beses ko siyang nasaktan at hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin siya. Sinubukan ako ni Mama na pigilang umalis sa bahay, pero dahil hindi ko kaya na tiisin na makita si Dada at ang mga katarantaduhan niya, umalis na lang ako at dun ko nasaktan ng sobra si Mama. At every time na magbabangga at magtatama ang tingin namin ni Dada, alam kong nasasaktan ko pa rin siya kahit hindi naman dapat.


Si Zia. Tulad ni Mama alam kong naapektuhan rin siya sa nangyari samin ni Dada. Tuwing hinihiling niya sakin na umuwi na ako sa bahay at tinatanggihan ko siya, alam kong sobra siyang nasasaktan at wala akong magawa para wag siyang madamay.


Si Gian. We had a happy relationship, pero lahat yun nagbago nung nagpakaselfish ako. Kinailangan isakripisyo ni Gian ang relasyon namin dahil kailangan siya ng pamilya niya, pero dahil selfish ako at naging gago, pinagsiksikan ko yung sarili ko at lahat ginawa ko para mabawi siya. Hanggang sa hindi ko na namamalayang sa ginagawa kong pagsiksik sa sarili ko at pagiging makasarili ay nasasaktan ko na pala si Gian.


Si Tish. Oo sinaktan niya rin ako, pero aminin man niya o hindi, alam kong nasaktan ko rin siya. Nasaktan ko siya pailalim dahil ginamit ko siya para ideny sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para kay Rhianne. Buong akala ko kasi siya ang tamang tao para sa'kin. Isang malaking pagkakamali na hinayaan ko pang maging kami.

I Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon