[57] - We'll Never Know

69 1 0
                                    

JOSH's POV

I only have five days left. 

Five days. 

Limang araw na lang ang meron ako pero ang dami-dami ko pang gustong gawin, ang dami ko pang kailangang gawin bago ako umalis. Napuntahan ko na si Tish at naibigay ko na sa kanya 'yung kapatawaran na karapat-dapat para sa kanya para matahimik na kaming lahat. Naayos ko na lahat ng kailangan kong ayusin sa pag-iiwanan ng bahay namin at pati na rin ng negosyo namin. Nagawa ko na rin magpaalam sa mga kamag-anak namin dahil walang kasiguraduhan kung kailan kami uuwi ulit dito sa Pilipinas. 

Five days left before I could say goodbye to the place that taught me how to be strong. Five days left before I could start a new life with my family. And five days left before I say my goodbyes to the woman I loved the most. 

"Anak." 

My thought vanished when I heard my mom's voice behind me. 

"O Ma.." napalingon ako sa kanya at nakita ko'ng naglalakad siya palapit sa'kin, "...bakit pa po kayo lumabas? Mahamog po." 

Nandito ako ngayon sa may garden ng bahay namin at nagpapaantok dahil hindi ako makatulog. 

"Anak, bakit kailangan mo pang sumama sa'min ng kapatid mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko, "Matanda ka na at nasa tamang edad ka na. Dapat sariling buhay mo na ang inaasikaso mo." 

"Ma..." I sighed as I held her in her arms, "...kayo po ang buhay ko." 

Hinawakan ni Mama ang pisngi ko. 

"Si Rhianne." sambit ni Mama at ngumiti, "Iiwanan mo na naman ba siya?" 

Ilang beses na akong kinakausap ni Mama tungkol kay Rhianne pero hindi ko siya laging masagot dahil ayokong isipin niya na sila ang dahilan kung bakit namin kailangan umalis ng bansa, aalis kami ng bansa dahil kailangan naming magbagong buhay, dahil masyado 'nang mapait ang lahat ng dinanas namin dito. 

"Kahit kailan naman Ma hindi ko siya iniwan. Palagi niya akong kasama dahil nasa kanya 'yung puso ko." I smiled as I face the stars up the sky, "Hindi rin naman siya nawala sa tabi ko dahil palagi pa rin siya'ng nandito sa isip ko at lalong lalo na sa puso ko. Kaya hindi ko siya iniwan Ma." 

"Anak gaano mo ka-mahal si Rhianne?"

I took a deep breath, "Sobra Ma." I faced her again, "I love her very much. Kung kaya ko lang saluhin 'yung mga sakit na pinaranas sa kanya ng mundo, ginawa ko na. Kung pwede ko lang saluhin 'yung mga luha na niluha niya, ginawa ko na. How I wish I could turn back the time and stop these things to happen. How I wish I could turn back the time and never let this world treat her like this. Ma, ngayon lang ako nagmahal ng ganito." 

Mas lumapit sa'kin si Mama at hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko habang pinupunasan ang pisngi ko dahil sa mga luhang bigla na lang pumatak. 

"Before I met Rhianne, I was so selfish. Gusto ko lang mahalin ako ng mga tao pero 'nung nakilala ko siya? God, everything changed." I scoffed and shook my head, "Ayokong umalis Ma, that's the truth kasi gusto ko samahan siya, gusto ko kapag handa na siya ulit magmahal ako 'yung una'ng una niya'ng makikita para makasigurado na ako na nasa tamang panahon na kami. But it doesn't work that way, Ma. I need to give her time and space. I need to do that para tuluyan niya 'nang mapalaya 'yung puso niya. This time I want fate to do the works. Hindi ko ipipilit. Kung kami talaga, kami talaga." 

When my Mom saw tears coming out from my eyes continuously, she pulled me towards her and hugged me tightly. 

I haven't felt her warm hugs for a long time and feeling her warm hugs makes me miss Dada more. Siguro kung nandito siya, sasabihin niya sa'kin na tama ang desisyon ko. 

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now