[15] - Why Can't It Be?

154 5 1
                                    

RHIANNE's POV


"Hindi kasi maintindihan nila Daddy kung bakit hinayaan mo na namang pumasok sa buhay mo 'yang Josh na 'yan." kadarating lang namkn dito sa bahay pero mula airport hanggang makaupo kami dito sa sala, hindi na natigil ang pagse-sermon sa'kin ni Ate Nikki, "Alam mo naman 'yung nangyari sa'yo lima'ng taon na ang nakakalipas, at alam naman nating lahat na 'yang Josh Samaniego na 'yan ang dahilan kung bakit muntikan ka 'nang mamatay."


How can I forget that? Araw-araw na ginawa ng Diyos naalala ko 'yung mga panahong muntik na ko'ng mawala sa sarilj ko dahil sa sobra'ng sakit.


I get it. Ako 'yung tipo ng tao na kahit ano'ng sama ng ginawa sa'kin, hindi pa rin kaya'ng panindigan 'yung galit.


Ilang beses ko'ng sinabi sa sarili ko na dapat magalit ako kay Josh na dapat kamuhian ko siya dahil muntik 'nang masira ang buhay ko noon dahil sa ginawa niya'ng pananakit sa'kin, that I almost lost myself because of that incident. Pero wala e, hindi ko pa rin magawa'ng kamuhian siya ng sobra.


"Rhianne, kaya kami pinauwi dito ng Daddy at Mommy ay dahil nagwo-worry sila na baka kung ano na naman ang gawin sa'yo ng Josh na 'yun. Hindi na nila kakayanin na masaktan ka na naman at mapunta na naman sa madilim na mundo." and finally Kuya Ethan spoke up. Naupo siya sa gilid ko at inakbayan ako, "Bilang asawa ng Ate mo at parang kuya mo na rin, ayaw ko'ng masaktan ka dahil alam ko kung paano ka sinaktan ni Josh."


Hindi nagtagal ay naupo na rin sa tabi ko si Ate Nikki kaya nasa gitna nila ako ngayon, "Kahit ano pa'ng sabihin ng Josh na 'yan, hindi na niya mababago 'yung masama'ng pagtingin namin sa kanya dahil sa ginawa niya sa'yo."


"Ate pa'no kung.." nag-aalinlangan man ako sa sasabihin ko pero gusto ko rin naman bigyan ng chance si Josh i-defend 'yung sarili niya.


But when I was about to open my mouth again, nauna'ng magsalita si Ate Nikki.


"Pa'no kung nagbago na siya?" tanong niya sa'kin at napailing siya, "For God's sake Rhianne, ke-nagbago siya o hindi, hindi niya mababago ang katotohanan na siya ang naging dahilan 'nang sakit na naramdaman at naranasan mo noon, na naging dahilan para muntikan ka 'nang mawala sa'min."


Naiintindihan ko naman sila Ate Nikki, lalo'ng lalo na sila Daddy.


Pagdating namin sa America almost six years ago, akala ko magiging okay na rin ako at mas madali ako'ng makakalimot, pero mas lalo pala ako'ng malulungkot at malulugmok sa madilim ko'ng mundo.


"Please naman Rhianne, 'wag mo namang kalimutan kung ano'ng nangyari sa'yo dahil sa pananakit sa'yo ng Josh na 'yun!" kulang na lang magmakaawa si Ate Nikki sa'kin na tantanan ko na ang pakikipagkaibigan kay Josh, "Ako na nagmamkaaawa sa'yo para kay Daddy at Mommy na 'wag mo 'nang saktan 'nang paulit-ulit 'yang sarili mo."


"Rhianne." napatingin ako kay Kuya Ethan, "Kakampi mo kami ng Ate Nikki mo, alam mo 'yan, pero pagdating sa bagay na 'to, baka hindi ka na namin magawa'ng kampihan."


Nabalik ang tingin ko kay Ate Nikki 'nang hawakan niya ang kamay ko, "Hindi ka namin pipigilan na makipagkita sa kanya dahil nasa iisang group of friends kayo, pero hindi kami mapapanatag kung babalik na naman kayo sa dati niyo'ng friendship. Mas mabuti na 'yung nag-iingat."

I Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now